Si Yuka Saso ang kauna-unahang Pinay golfer, na nagwagi ng gold medals, sa 2021 US Women’s Open sa kasaysayan ng Pilipinas.Naging maingay ang kanyang pangalan at patuloy na ipinagdiriwang ng mga Pilipino lalo na sa California ang kanyang pagkapanalo.

ABS-CBN

Isang tinedyer lamang si Saso na noon pa man ay nagwawagi na sa mga golf tournaments gaya ng 2018 Asian Games.At siya ang unang golfer na nagwagi sa pinakaprestihiyoso  paligsahan sa women’s golf.

Sino ba si Yuka Saso?

Mula sa probinsya ng San Ildefonso, Bulacan si Yuka Saso. Isang Pilipino ang kanyang ina at Hapon naman ang kanyang ama na mahilig din sa golf. Apat na taong gulang pa lamang si Saso nang magtungo sila sa Japan at doon siya pinag-aral. Bumalik sila ng Pilipinas makalipas ang apat na taon at dito ipinagpatuloy ang kanyang homeschooling hanggang makatapos ng highschool.

Sa unang pagkakataon na nanuod si Yuka Saso ng isang paligsahan ng golf ay agad siyang umibig dito. Agad niyang sinabi sa sarili niya na gusto niyang maging propesyonal na manlalaro ng golf. Siyam na taong gulang pa lamang ay nakikipag kompetensya na siya sa mga  Junior Golfers.

Yuka Saso

Naging kinatawan siya ng Pilipinas, sa kauna-unahang pagkakataon, sa 2011 US Kids golf tournament. Nagwagi rin sya sa ilan pang tournaments noong bata pa lamang sya gaya ng 2016 World Junior Girls Championship at sa Philippine Junior Amateur tournaments noong 2016 at 2017.

Siyam na taon na ang Filipino-Japanese sa sports na golf. Bukod sa impluwensya ng kanyang ama,  naging inspirasyon niya ang mga golfer na sina Rory Mcllroy At si Tiger Woods, na mga kilalang manlalaro sa larangan ng Golf. 

Wikipedia

Nasungkit din niya ang dalawang gintong medalya  sa 2018 Asian Games Golf Tournament. Ngayon nga ay gumawa ng kasaysayan ang Pilipinong Golf Star na si Yuka Saso.  Siya ang pinakabatang manlalaro na naging kampeon sa 76th US Women Open sa Olympic Club na naganap sa San Francisco nitong Linggo, Hunyo 6, 2021 (Lunes, Hunyo 7, oras ng Maynila). Bukod sa pag-uwi ng tropeo, nakuha rin ni Saso ang $1-milyong premyo at mga exemption sa paligsahan sa mga susunod na taon.    

Twitter

Ayon kay Yuka Saso:

“I want to be World No.1 and my dream is to win Olympic gold”