Muling nagbabalik si Xian Gaza sa mundo ng social media.

Nagviral ang post nito noong Hulyo 9 (siyam), 2021 tungkol kay Jomar Lovena at sa kanyang ex na si Donnalyn Bartolome ukol sa utang na isang milyon ni Jomar sa dalaga. Maging ang bagong post nito tungkol sa totoong dahilan ng hiwalayan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Isiniwalat nito na 2020 pa lamang ay naghiwalay na ang dalawa at nito ngang buwan ay nais na raw umano ng maraming manliligaw ni Kylie na malaman na hiwalay na nga talaga ang dalawa kaya’t isinapubliko ito at ang lumalabas nga ay kasalanan lamang ito ni Aljur.

Ngunit, sino nga ba si Xian Gaza? 

Sya si Christian Albert “Xian” Soriano Gaza, Isa siyang negosyante na Maimpluwensya sa social media, at nahatulan na scammer. Nakilala siya ng mga tao sa internet nang yayain nito ang aktres na si Erich Gonzales na magkape sa pamamagitan ng billboard ad sa Maynila. Gayunman, tinanggihan ng aktres ang kanyang  alok. Naging interesado ang mga netizens sa kanya kaya natuklasan na isa siyang scammer. Umamin siya at nahatulan ng Malabon Court dahil sa tumalbog na tseke mula sa kanyang pagkakautang kina Jaime Asuncion at Melinda Cruz na siyang mga nagpondo sa coffee shop ni Gaza na nagkakahalaga ng mahigit 2 milyon. Nakapag piyansa din siya kinabukasan at doon nagkaroon ng pagkakataon na makaalis ng bansa.

Naging maingay na naman ang kanyang pangalan nang ipost pa niya ang pag-alis papuntang ibang bansa. Idenetalye nito kung paano niya matagumpay na natakasan ang inspeksyon sa immigration sa Ninoy Aquino International Airport. Nagbook siya ng tatlong flight noon, dalawang flight sa Singapore at Taipei at totoong flight patungong Hong Kong At makalabas ng bansa noong Setyembre 2018. Ayon kay Bureau of Immigration spokesperson Dana Sandoval, agad na haharangin  at hindi makakalabas ng bansa ang taong may tala sa database ng Bureau of Immigration dahil sa pagkakaroon ng Hold Departure Order (HDO) o warrant of arrest. Ngunit sa kaso umano ni Xian, nang siya ay umalis ng bansa ay wala itong HDO o standing warrant of arrest.

Matapos na matagumpay na makaalis, nagbago siya ng pagkakakilanlan, maging ang citizenship at passport niya. Sa kasalukuyan, hawak niya ang tatlong kumpanya sa Thailand, ito ay ang 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘 𝗣𝗔𝗖𝗜𝗙𝗜𝗖 𝗛𝗢𝗟𝗗𝗜𝗡𝗚𝗦, 𝗬𝗨𝗞𝗜 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗖𝗢., 𝗟𝗧𝗗. at ang 𝗧𝗛𝗔𝗜 𝗙𝗟𝗜𝗫 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗔𝗡𝗬 𝗟𝗜𝗠𝗜𝗧𝗘𝗗. Gayundin ang mga negosyong 𝗛𝗘𝗗𝗚𝗘 𝗙𝗨𝗡𝗗 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗚𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧, 𝗫𝗜𝗔𝗡 𝗖𝗢𝗜𝗡 𝗖𝗥𝗬𝗣𝗧𝗢 𝗕𝗔𝗡𝗞, 𝗡𝗬𝗔𝗘𝗠 𝗦𝗧𝗥𝗘𝗔𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗟𝗔𝗧𝗙𝗢𝗥𝗠, 𝗧𝗠𝗧 𝗠𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔 𝗕𝗔𝗬 𝗦𝗔𝗡𝗗𝗦, 𝗬𝗨𝗞𝗜 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗣𝗛 at 𝗜𝗦𝗬𝗨𝗦 𝗔𝗣𝗣 & 𝗪𝗘𝗕𝗦𝗜𝗧𝗘.

Ang kanyang total assets ay 𝗣𝗛𝗣 𝟰𝟮𝟬𝗠+ samantala ang Total Liabilities naman niya ay 𝗣𝗛𝗣 𝟱𝟱𝗠 At ang Estimated Net Worth ay 𝗣𝗛𝗣 𝟯𝟲𝟱𝗠+

Hindi maikakaila ang galing ni Xian Gaza pagdating sa pagnenegosyo at ang lawak ng kanyang pag iisip pagdating sa mga investment. Nag-crowdfund umano ito sa Facebook para makalikom ng pondo at puhunan upang ma-establish ang mga negosyo at kumpanya na meron siya ngayon dahil sa kanyang expression na “Nyaem” ay nabuo ang page sa facebook tungkol sa ilang business ni Xian. Sikat pa rin ngayon si Xian Gaza sa Social media dahil na rin sa mga pinopost nito sa kanyang facebook account. Tungkol sa kanyang buhay ngayon, mga motivation at tungkol sa mga investment lalo na sa crypto trading. Tinawag man at napatunayan na siya ay scammer, ginawa niya ang lahat upang makabangon at makilala ng muli sa mundo ng pagnenegosyo.

Ayon kay Xian Gaza, kapag may any achievements ka sa buhay, ipagsigawan mo! Ipagmayabang mo! It will feed your ego tapos tataas ang iyong self-esteem and your motivation within. Titibay ang mental health mo laban sa anxiety. Mas gaganda ang focus mo sa buhay. 

“𝗠𝘆 𝗽𝗮𝘀𝘁 𝗵𝗮𝘀 𝗻𝗼𝘁 𝗱𝗲𝗳𝗶𝗻𝗲𝗱 𝗺𝗲, 𝗱𝗲𝘀𝘁𝗿𝗼𝘆𝗲𝗱 𝗺𝗲, 𝗱𝗲𝘁𝗲𝗿𝗿𝗲𝗱 𝗺𝗲, 𝗼𝗿 𝗱𝗲𝗳𝗲𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗺𝗲; 𝗶𝘁 𝗵𝗮𝘀 𝗼𝗻𝗹𝘆 𝘀𝘁𝗿𝗲𝗻𝗴𝘁𝗵𝗲𝗻𝗲𝗱 𝗺𝗲.”  Quote by Steve Maraboli.