Kabi-kabila ang mga isyu o usapan tungkol sa mga nagtataksil sa kanilang partners o asawa. May ganyang usapin kahit na sa sari-sarili nating lugar – sa kapitbahay, sa ating mga katrabaho, sa ating mga kaibigan, o minsan sa ating mga tahanan mismo. Nagawa mo na bang magtaksil? Why do people cheat? Totoo bang, “once a cheater, always a cheater?”

Ayon sa Psychology Today website, 90% ng mga Amerikano ang naniniwala na hindi katanggap tanggap ang pagtataksil. Ngunit 30-40% ng populasyon ang gumagawa nito. Hindi nalalayo dito ang Pilipinas, manood ka ng Raffy Tulfo o mga trending news, hindi mawawala ang isyu na ito .

Freepik.com

Mayroong TATLONG rason kung bakit nagtataksil ang isang tao:

  1. WHY DO PEOPLE CHEAT? Una, Dahil sa kanilang sarili
Freepik.com

Ang madalas nating sabihin na “once a cheater, always a cheater” ay maaari lamang gamitin depende sa kung sino ang tinutukoy. May tatlong bagay na nakakaimpluwensya sa isang indibiduwal tulad ng:

  1. Kanyang Kasarian (Gender)

Ayon sa mga pag-aaral, mas malaki ang posibilidad na magtaksil ang mga lalaki dahil mayroon silang mataas na lebel ng testosterone na nagbibigay ng matinding pagnanasa na makipagtalik.

  1. (Pangalawa) Kanyang Personalidad

Mas malaki ang tsansa ng mga taong hindi tapat at hindi maingat na magtaksil;

  1. (At huli) Ang Kanyang Relihiyon at Pulitikal na pananaw

Ang mga taong relihiyoso at konserbatibo sa kanilang pananaw ay kadalasan na mayroong matibay na paniniwala sa moralidad.

2) WHY DO PEOPLE CHEAT? Nagtataksil din ang mga tao, Dahil sa kanilang relasyon

Freepik.com

Nagtataksil din ang mga tao dahil sa iba’t-ibang isyu sa loob ng kanilang relasyon na hindi sapat sa kanila. Ang pagsasama na mayroong mga pangangailangang di napupunan gaya ng sex, ang mga halimbawa na malaki ang posibilidad ng pagtataksil sa relasyon nila.

Ang mga pagtatalo at hindi pagkakaunawaan na nagmumula sa mga pagkakaiba ng personalidad, mga pananaw, at antas ng kaalaman ay maaari din maging dahilan ng pagtataksil.

3) at huling rason, WHY DO PEOPLE CHEAT? nagtataksil sila Dahil sa Kanilang sitwasyon

Freepik

Nagtataksil ang ilan dahil sa kanilang sitwasyon. Maaaring wala sa kanilang personalidad na manloko o sila’y nasa masayang relasyon naman. Ngunit malaking bagay ang kanilang sitwasyon kaya natutukso sila. Kung ang isang tao ay nasa lugar na maraming nakakaakit na tao, malaki ang posibilidad na siya’y mahulog dito. Kung ang isang tao rin ay may trabaho na nangangailangan na hawakan ang iba, makipag-usap ng pribado, o trabahong kailangan ibahagi ang mga personal na bagay, malaki rin ang tsansa na siya’y magtaksil.

Ang mga dahilan kung bakit nagtataksil ang babae o lalaki man ay nagkakakaiba-iba. Ayon sa pag-aaral, mas mababa ang I.Q. (Intelligence Quotient) ng mga lalaking nagtataksil ngunit alalahanin din natin na nagdedepende rin ito sa ibang bagay gaya ng kanilang personalidad.

Nagawa mo na bang magtaksil? Huwag mo sanang gawin na totoo sa’yo ang kasabihang, “once a cheater, always a cheater.”

Panoorin ang aming video tungkol dito: