Mabuhay ka KaPinoy Vibes! Welcome po sa ating website. Ano mang dako ng mundo sigurado may makikita kang Pilipino, mapa Inglatera man yan, America, Dubai, o kahit sa kaduluduluhan ng mundo sigurado may makikita kang KaPinoy.

Maraming dahilan at rason kung bakit ang mga pilipino ay nangingibayong dagat, yung iba ang dahilan nila ay para sa mas magandang buhay, yung iba naman kailangan lang ng bagong simula. Ginawa namin ang website na to which is Pinoy Vibes kasi gusto naming econnect ang mga Pilipino sa ibat ibang dako ng mundo upang mapanatili at lalu nating mapagyaman yung ating Filipino Culture.

Mano Po

Photo credit: filipiknow.net

Kasi tayong mga pilipino meron tayong culture na napa unique sa aatin, Hindi ba nung mga bata tayo o kahit ngayon – kapag bumisita tayo kina lolo kay tita sigurado magmamano tayo or magbigay galang sa nakakatanda saatin, tapos pag merong di nag mano parang ambastos ng dating diba.

Yung mga ganung cultura ba na sa aming papanaw ay hindi na mawawala saatin and I think it is very important na hindi yun mawala at maisalin natin sa ating susunod na henerasyon. Ganun po ang dahilan kung bakit meron tayong Pinoy Vibes website, ginawa natin ito para maabot ang mga pilipino sa ibatibang dako ng mundo at para ma eshare natin sa kanila at sa mga ibang nation yung Filipino Culture & Values, yung cultura ng close family ties, yung hospitality ng mga pilipino, yung pag may bisita ka talagang contodo asikaso ka, at yung iba pang katangian ng mga Pinoy na tunay namang maipagmamalaki sa mundo.