Isa sa mga motto yata sa buhay ng mga artistang ito ang “THE MORE THE MERRIER”.  Dahil sa dami ng mga anak nila. Kilalanin natin kung sinu-sino ba ang tila motto ito sa pagkakaroon ng anak. Narito ang TOP 5 ARTISTA NA MAY PINAKAMARAMING ANAK!

#5 JAY MANALO

Isang aktor at modelo si Jay Manalo. Ipinanganak siya sa South Vietnam pero lumaki sa Tondo Manila. Ang kanyang ama ay isang Pilipino, habang ang kanyang ina naman ay isang Vietnamese. Mayroong labing dalawang anak si Jay Manalo sa anim na babae. Tatlo sa kanyang mga anak ay college graduate na.

#4 JOSEPH EJERCITO ESTRADA O MAS KILALA SA TAWAG NA “ERAP”

Isang dating aktor at dating Pulitiko si Erap. Siya ang ika-labing tatlong presidente ng  Pilipinas noong 1998 hanggang 2001.

Ika-siyam naman siya sa mga naging Bise Presidente ng Bansang Pilipinas noong taong 1992 hanggang 1998. At Pang dalawang pu’t anim naman na naging Mayor sa Siyudad ng Maynila.

Mayroon din siyang labing dalawang anak sa mga naging babae niya sa kanyang buhay. Ilan sa  naging anak niya na sumunod sa kanyang yapak pagdating sa larangan ng pag aartista at sa pulitika ay si Jinggoy Estrada.

#3 DOLPHY QUIZON

si Dolphy quizon ang pangatlo sa limang ARTISTA NA MAY PINAKAMARAMING ANAK

Siya si Rodolfo Vera Quizon o mas kilala natin sa tawag na Dolphy Quizon. Siya ang tinaguriang “KING OF COMEDY” dahil sa kanyang comedic talent na namayagpag sa takilya. Siya ay ipinanganak noong July 25, 1928 sa Tondo Manila.

Nagkaroon siya ng labing walong anak sa mga naging babae sa kanyang buhay. Isa sa naging anak niya ay si Vandolph Quizon At eric quizon na sumunod sa yapak ng kanilang ama pagdating sa pag aartista.

#2 RAMON BONG REVILLA SR.

Siya si Jose Acuna Bautista Sr. o mas kilala sa pangalang Don Ramon Revilla Sr. Isa rin siyang Filipino actor at pulitiko. Naging senador siya sa Pilipinas. Nakilala siya sa kanyang pag aartista bilang “Hari ng Tugma.”

Ipinanganak noong March 8, 1927 sa Imus, Cavite si Ramon Revilla. Mayroon Siyang Pitumpu’t dalawang anak sa mga naging babae niya sa kanyang buhay. Isa na dito ang Kilalang Artista at politician din na Si Ramon Bong Revilla Jr. 

At ang Pinakamaraming anak sa mundo ng Pinoy Showbiz ay walang iba kundi si LOU SALVADOR SR. Si Lou Salvador ay isang basketbolista at stage actor na naging Talent Manager. Ipinanganak siya noong July 7, 1905 sa Tacloban, Leyte. Isang Espanyol ang kanyang ama at German naman ang kanyang ina.

Handa naba kayo na malaman mga ka Pinoy Vibes kung ilan nga ba ang Kanyang naging anak? Umabot lang naman 102  ng ang kanyang mga anak sa iba’t ibang mga naging babae nito sa  buhay. 

#1 LOU SALVADOR

si Lou Salvador ang nangunguna sa mga ARTISTA NA MAY PINAKAMARAMING ANAK

Isa sa kanila ang kilalang artista na si Philip Salvador.

Ngayon, kilala mo na ang mga ARTISTA NA MAY PINAKAMARAMING ANAK, ano ang masasabi mo sa dami ng kanilang anak?

Ano mga ka Pinoy Vibes? Pasok ba sa mga naging listahan niyo ang mga nasabing artista? Ano ang masasabi niyo dito mga ka Pinoy Vibes?  Para sa iyong reaksyon, mag comment at maglike sa aming official Pinoy Vibes Facebook page.