Kabilang sa pinakamasarap at maaromang kape sa Asya ang kape na mula sa PIlipinas.

Isa ang Pilipinas sa Tahanan ng dekalidad na kape at may sariling pamantayan.

Kaya kung coffee lover ka, aba nababagay sayo ang video na ito.

Narito ang ilan sa mga the best coffee shops sa Pilipinas.

Una, ang YARDSTICK sa lungsod ng Makati

Mararamdaman mo na ginawa ng may pagmamahal ang bawat kape kaya lalong sumasarap ang timpla ng Yardstick.

Samahan mo pa ito ng ipinagmamalaki nilang salted caramel at lemon curd waffles!Tiyak na lalong masarap!

Jiro Coffee Studio sa Lungsod ng Quezon

Kilala ang Jiro Coffee studio sa aroma na nalalanghap pagpasok pa lamang ng pintuan ng shop.

Gayundin sa kanilang tauhan na sobrang maasikaso.

 Kamangha-mangha rin ang kanilang mga kape.

Sumunod naman ang Habitual sa Makati city

Ang kanilang mga barista ay mga nangunguna sa pagdating sa larangan na ito.

Hindi katakataka kung bakit masarap ang kape rito.

Samut-saring parangal ang napanalunan ng Habitual.

Nakatutok sila sa estilong Third wave pagdating sa pagtitimpla ng kape.

Ella and the Blackbird sa lungsod ng Quezon city

Ang pinagmamalaki naman ng Elle and the Blackbird ay ang kanilang iced coffee.

Gumagawa rin sila ng mga nakakamanghang hand brews at flat whites.

Pinakahuli, ang Coffee Madness ng Cebu

Kung coffee lover ka talaga,

kailangan mong subukan ang Coffee Madness kapag namasyal kayo sa Cebu.

Sila mismo ang nagroast ng kanilang sariling mga beans,

 Kaya’t tiyak na sariwa ang mga coffee beans nila.

So ano mga ka-pinoy vibes? Kasama ba sa listahan ang paborito nyong mga Coffee shop?

Ilan na sa kanila ang napuntahan mo na?

Icomment na sa ibaba ang coffee shop na kung saan natikman niyo ang pinakamasarap na kape.