Hapon ng January 12, 2020 ang huling pag uulat ng pagsabog ng bulkang Taal, marami sa ating
kababayan ang nawalan ng hanapbuhay, nawalan ng ari-arian ngunit wala nang mas mapait para sa
ating mga kababayan na nawalan nang mga mahal sa buhay. Lumipas ang isang taon heto at patuloy na
bumabangon ang ating mga kababayan, unti unting bumabalik ang mga ngiti kasabay ng unti unting
pagpapaunlad ng mga nawalang ari-arian at hanapbuhay.

Pangamba saTaal Volcano

Ngunit heto at unti unti ‘ding bumabalik ang takot at pangamba ng muli na namang naiulat ang pagiging aktibo ng bulkang Taal.
Paano na kaya ang ating mga kababayan na nagsusumikap na maka-ahon muli? Babalik na naman ba
ang bangungot at paghihirap ng ating mga kababayan noong kasagsagan ng pagsabog ng bulkan?
Handa kaya sila sa maaaring idulot kung sakaling sumabog man ang bulkang Taal? Ilan lamang ito sa
mga katanungan na ngayo’y nagsisilbing balakid sa ating mga kababayan.

Taal Volcano
CTTO

Ano ang Kasalukuyang Aktibidad ng Bulkang Taal? March 18, 2021 nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ng isang daan at animnapu’t apat (164) na volcanic earthquakes, animnapu’t pito (67) na volcanic tremors na tumatagal ng isa hanggang dalawang minuto at tatlong hybrid events. Samantala mayroon ding naitalang mahinang pag singaw na may taas na dalawampung metro (20) sa mga gas vents na nagaganap sa main crater ng bulkan. Ang mga naitalang data na ito ay maaaring nagsasaad lamang na ang bulkang Taal ay nananatiling aktibo. Patuloy ang masusing pagmomonitor at alerto ang PHIVOLCS sa mga aktibidad na kasalukuyang nagaganap sa Bulkang Taal.

Taal Volcano
Taal Volcano
Taal Volcano
CTTO
Taal Volcano
Taal Volcano
CTTO

Ano ang mga Dapat Paghandaan? Kasalukuyang sumasailalim sa ALERT LEVEL 2 ang bulkan ng Taal. Maaaring mayroong biglaang maganap at manalasa sa Taal Volcano Island na steam-driven o phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas sa ganitong Alert Level. Iminungkahi din ng PHIVOLCS na ipagbawal ang pagpasok ng sinuman sa Permanent Danger Zones ng Taal Volcano Island. Inabisuhan din ang mga may katungkulan sa civil aviation na magbigay alam sa mga piloto na iwasan ang pagpapalipad malapit sa bulkan dahil mayroong patuloy na pagbuga ng abo at pag iitsa ng mga bato at maaaring idulot ng biglaang pagputok ng bulkan.

Kailan maging handa? Ugaliin nating maging handa sa lahat oras lalo na para sa mga naninirahan malapit sa lokasyon ng Bulkang Taal. Magkaroon ng mga sapat na impormasyon sa pamamagitan ng pakikinig at panonood ng mga ulat tungkol sa aktibidad ng bulkan. Ugaliing maglaan ng mga emergency kits at supplies upang hindi mahirapan kung magkakaroon man ng agarang paglikas na ipatutupad sa inyong lugar. Iwasan ang paglapit sa Permanent Danger Zones hanggat hindi nag aabiso ang kinauukulan na maaari na itong puntahan. Makipag ugnayan sa inyong lokal na pamahalaan kung mayroong mga katanungan at siguraduhing sundin ang mga alituntunin na kanilang ipinatutupad.

Ang pagsabog ng bulkan ay isa lamang sa mga itinuturing natin na Natural Disaster. Ngunit sa tulong ng Siyensya tayo ay mas magiging handa at tayo ay mabibigyan ng mas malawak na impormasyon upang maiwasan ang malala at kritikal na resulta ng mga ganitong kaganapan sa mundo, at mapaghandaan natin ang ganitong mga sakuna. Huwag sana nating ipagwalang bahala ang mga ganitong kaganapan para na rin sa ating kaligtasan at upang maiwasan nating mapagdaanan muli ang resulta ng pagiging kulang sa paghahanda.Maging aral sana sa atin ang mga kaganapan noong huling pagsabog ng bulkan at panatilihing maging alerto at higit sa lahat manalig at humingi ng gabay sa ating maykapal. Saludo po kami sa ating mga kababayan na patuloy na bumabangon at umaahon sa pagsubok ng buhay lalo na sa ating mga kababayan na apektado sa pagsabog ng Bulkang Taal.

Manatili po tayong maging alerto at sabayan po ito nang mataimtim na panalangin.