Isa sa pinaka mahalagang gadget ng mga blogger ay ang kanilang Camera, mapa cellphone man yan o Digital camera napakahalaga na mayroon itong magandang specification para maka pag produce ng magandang quality na video, sa panahon ngayon marami nang available na technology na maganda ang quality at abot kaya ng bulsa.

Kung travel blogger ka naman maliban sa yong camera malaking upgrade din sa mga video mo kung meron kang drone. Sa mga nakalipas na mga taon duma mi na ang mga options pagdating sa technologiya ng drone. Marami ka na ring makikitang drone na hindi mo kaylangang isangla ang pustiso mo para mabili

Ngayon araw ay mag aaunbox tayo ng drone, ito ay ang Snaptain S5C iFi FPV Drone na may 2K Camera, Voice Control, ide-angle Live Video RC Quadcopter. Masasabi nating ang Snaptain S5C Drone ay isang entry level na drone. Kung bago ka palang sa pagkuha ng mga video gamit ang drone at hindi ka pa sanay magpalipad nito mas makabubuting ito na muna ang bilhin at gamitin mo dahil sinisigurado ko sayo na mapapasama ang landing mo, parang bicicleta lang yan di ka matututo nang hindi nagagasgas ang tuhod. 

SNAPTAIN S5C WiFi QUAD DRONE WITH 2K CAMERA – fEATURES

    • Smart Voice Control – control your drone using predefined voice command
    • 3D View Mode – compatible and S5C with 3D glasses technology na lalong makabibigay na kamanghamanghang videos sa user.
    • Altitude Hold – kaya nitong manatili sa nakaset nitong taas ng lipad gamit ang 6 axis na gyroscope ng S5C
    • Support for Apple & Android – maaari itong gamitin both sa android and apple
    • One Key Operation – isang pindot lang pwedeng lumipad o mag landing ang drone
    • 3D Flips – kaya din nitong sumirco sa ere para bang dog tricks
    • Signal Warning – kayang edetect ng drone kung within range pa ang wifi connection mo para di ka mawalan ng control
    • Gesture Control – may mga predefined na gestures ang drone para lumipad or maglanding o kumuha ng mga image or video
    • Propeller Protection – merong bumper ang mga propeller para maiwasan ang damage

PANOORIN ANG AMING UNBOXING VIDEO…