Marami sa atin ang nakakaranas ng sleep paralysis, kung minsan nga ay sinasabing masasamang elemento ang gumagawa nito habang tayo ay tulog. 

Naranasan mo na bang ito? Ito ang biglang pakiramdam na  may dumadagan sa iyong dibdib at nahihirapan kang huminga habang tayo’y natutulog. Minsan naman, hindi tayo makagalaw kahit na gising na tayo at nakikita ang buong paligid. 

Wikipedia

Nakakakita ka ng kung anu-anong anyo gaya ng mga multo, halimaw, o demonyo sa paligid. Gusto mong sumigaw o kaya naman ay sumisigaw ka na pero walang lumalabas na salita sa iyong bibig.

Totoo nga bang kagagawan ito ng demonyo?

WIKIPEDIA

Maraming nagsasabi na isang demonyo o  NIGHT HAGS ang may gawa nito. Sila ang pinaniniwalaang dumadagan sa dibdib habang nakakaranas tayo nito. Sinasabing ito  ang dahilan kung bakit napaparalisa at hindi nakakahinga ang mga nakakaranas nito. Natutuwa daw ang mga Night Hogs kapag ang tao ay natatakot at hindi makahinga. Naniniwala ka ba rito?

Sa panahon natin ngayon, mayroon ng mas malawak na kaalaman ang mga scientists tungkol dito. Hindi ito kagagawan ng demonyo kundi isang neurological disorder.

Ano ba ang Sleep Paralysis?

Nangyayari ito kapag tayo ay malapit ng makatulog o kaya naman, kapag malapit na tayong magising. Tumatagal ito ng ilang segundo o ilang minuto, at talaga namang nakakatakot. 

Kung nangyari ito kapag malapit ka ng magising, tinatawag itong hypnopompic sleep paralysis. Kung nangyari naman ito kapag malapit ka ng makatulog, tinatawag itong hypnagogic sleep paralysis.

Kung ito naman ay dulot ng iba pang kondisyon, tinatawag itong isolated sleep paralysis (ISP). Kung ang ISP ay madalas na nangyayari at nagdudulot na ng pagkabalisa, tinatawag itong recurrent isolated sleep paralysis (RISP).

Bakit nangyayari ang Sleep Paralysis?

Freepik

May mga dahilan bakit ito nararanasan ng isang indibidwal:

  1. Insomnia
  1. Paiba-ibang oras ng pagtulog (halimbawa: nagbagong skedyul ng trabaho)
  1. narcolepsy – isang kondisyon kung saan biglang nakakatulog ang isang tao.
  1. Pagpupuyat
  1. Post-traumatic stress disorder (PTSD)
  1. General anxiety disorder
  1. panic disorder
  1. Lahi ng pamilya na nakakaranas ng sleep paralysis.

Mapanganib ba ito?

Freepik

Nilinaw ng mga scientist na hindi ito delikado at normal lang ito sa ating mga tao.  Nakakakilabot man at nakakatakot, sinabi nila hindi ito nakamamatay. Wala pang naitala na namatay dahil dito. 

Kaya, huwag mabahala mga Ka-Pinoy Vibes! Hindi ito gawa ng demonyo o hindi mo ikamamatay ito. Tingnan natin kung kaya mo bang panoorin ang aming video tungkol dito: