Inaasahang mas lolobo pa ang paglago ng Skin bleaching industry sa buong mundo sa mga susunod na taon. Ang “Skin bleaching” o “Skin Lightening,” sa mga Pilipino – pagpapaputi ng balat ay isang epidemya sa buong bansa. Bakit nga ba gusto nating pumuti? Hanggang saan tayo aabot sa pagpuputi ng ating balat?

Sappiens

Ang industriya ng pagpapaputi o skin lightening sa buong mundo ay may halaga na US$8.3 billion noong 2018. Mula sa Asya ang malaking bahagi ng halaga na ito. At ang Pilipinas ang may pinakamataas na bilang na gumagamit ng ganitong produkto sa buong mundo.

Preview

Mula sa mga Ads hanggang sa dami ng mga produkto na pampaputi na ibinebenta kahit saan, kitang-kita ang kagustuhan ng mga Pilipino na magkaroon ng maputing balat.

Kasaysayan ng Skin Bleaching sa Pilipinas

Wikipedia

Nag-uugat ito sa konsepto natin ng kagandahan sa pagkakaroon ng maputing balat. Nahubog ang ating isip dahil sa daang taon na sinakop tayo ng mga lahi na may maputing balat. Tinuring nila na mababang uri ang mga indios o ang mga kayumanggi. At nakakaangat ang may mapuputing balat gaya ng mga insulares, peninsulares, at mestizos.

Wikipedia

Isinalarawan ni Jose Rizal ito sa isang karakter ng kanyang nobelang Noli Me Tangere. Si Doña Victorina de Espadaña, isang Pilipina na kayumanggi ang balat. Pinupuno niya ng kolorete ang mukha para lamang magmukhang maputi. Hanggang ngayon, dala pa rin natin ang ganitong kaisipan.

Ikinakabit natin ang kulay ng balat sa estado ng buhay. Kapag kulay kayumanggi- mababang uri, mahirap, o hindi nakapag-aral. Sa mga pelikula o palabas, kadalasan na ang mga may maputing balat ang mga nakakaangat at maganda. Kung mas maputi ka,  marami ang oportunidad. Kung mas maputi ka, may kumpiyansa ka sa iyong sarili.

Kung mas maputi ka, mas maganda ang magiging kinabukasan mo.

Ang Delikadong Pamamaraan ng pagpapaputi sa Pilipinas

Hindi tayo nakuntento, umusbong ngayon ang mga bagong pamamaraan sa pagpapaputi. Gaya ng mga IV injections at Glutathione capsules/pills.

Ngunit ang tanong, ligtas nga ba ang mga ito?

“Safe” nga ba ang mga paraan at produktong pampaputi?

HINDI.

Ayon kay Dr. Annie Chiu, MD, board-certified cosmetic and general dermatologist sa Los Angeles,

Dr. Annie Chiu

“walang ligtas na pamamaraan para mapaputi ang buong katawan. Wala pang pag-aaral na nagsasabing epektibo ang mga ito.”

“Masasabi lamang na “ligtas” gamitin ang produkto kapag reseta ito ng dermatologist.”

Maraming ginagamit para sa pagpapaputi

Ilan sa kanila ang vitamin C, Hydroquinone, Glutathione, Kojic Acid, at mercury. Para pumuti ang balat, pinababagal ng mga ito ang produksyon ng Melanin sa balat.

Ang Melanin ang nagbibigay sa atin ng kulay kayumangging balat. Mahalaga din ito para maprotektahan tayo sa init ng araw at para makaiwas sa skin cancer. Lalo na’t ang Pilipinas ay isang tropikal na bansa.

Ilan sa mga delikadong gamit sa pagpapaputi sa Pilipinas

Hydroquinone 

Voanews

ang sobra nito ay magdudulot ng rashes, redness, irritation, pati na, skin darkening.Patuloy pa rin ang pag-aaral kung nagdudulot nga ba ito ng kanser sa mga tao. Ipinagbabawal na rin sa iba’t ibang bansa, gaya ng Ghana, Ivory Coast, Rwanda, European Union, Japan, at Australia, ang mga produktong may Hydroquinone.

Glutathione IV Drips

Cosmo

Ginagamit ito para sa side effects ng chemotherapy sa cancer patients. Hindi aprubado ng FDA na gamitin na pampaganda ito. Nagdudulot ng problema sa thyroid, kidney failure, at liver dysfunction ang matagal na pagpapa turok nito 

Ngunit ayon kay Dra. Vicky Belo, “ligtas” ang kanilang pamamaraan. Delikado ang IV injections kung hindi bihasa at eksperto ang magtuturok nito.

Mercury

Subalit may pamamaraan pa na labas sa kaalaman ng mga eksperto –ang mga murang produkto na madaling mabibili sa mga botika o palengke at nangangako ng mabilis na resulta ay mga produktong kadalasan may halong Mercury.

Preview

Ang sobra at tuloy tuloy na paggamit ng produktong may mercury ay nagdudulot ng kidney damage, permanent skin damage, skin discoloration, rashes, kidney problems, peripheral neuropathy, anxiety, depression, at pati na psychosis.

Ipinagbabawal ang sobrang bilang ng Mercury sa mga produkto. Ngunit dahil sa mura ito, nakahanap ng paraan ang ganitong produkto upang makalusot at maibenta. Kahit na delikado at ilegal ito, patuloy na lumalago ang negosyo ng ganitong produkto. Dahil na rin sa pagtangkilik at kagustuhan natin sa mabilis na epekto.

Refinery29

Kumikita ng bilyon ang skin lightening industry  mula sa “Mass insecurity”

Ginagatungan nito ang diskriminasyon dahil sa kulay ng balat

Tinatawag itong “colorism” o “shadism.”

In the Philippines, where light skin equals greater opportunity, women are stopping at nothing to go whiter — even if it kills them.

LEXY LEBSACK