Kapag may inuman sigurado may pulutan, isa sa mga pinaka popular na pulutan ay ang Pork Sisig – kung Pinoy ka sigurado alam mo at naka tikim kana nito. Sa ka bila nang popolaridad nito natanong mo na ba ang sarili kung saan into nangaling? Ano ang origin ng pork sisig, sino kaya nakainbento nito at kailan ito naging popular?

Ayon sa aming pananaliksik, ma tetrace natin ang origin ng salitang sisig way back noong taong 1732, sa isang Augustinian na Prayle na si Diego Bergaño sa kanyang libro (“Vocabulario de Pampango en romance, y diccionario de romance en Pampango. English & Pampanga”, Bergaño, Diego, 1690-1747). Ayon kay Bergaño ang sisig ay isang salad na nag lalaman ng murang papaya, o bayabas na binudburan ng asin, paminta, bawang at pampaasim na maaaring suka o kalamansi. Dito hinango ang salitang pampango “Manyisig” which is commonly na ginagamit na term sa pagkain ng manga na may asin.

Image Source: Canva – Free Media License Agreement

Masasabing ang pinagmulan ng salitang sisig ay may kaugnayan sa salad, pero overtime nagevolve ito na kung saan hindi lang prutas o gulay ang sinisisig, pwede ring gumawa ng sisig gamit ang isda, at karne lalung lalu na ang baboy. Pero kelan ba nagsimula at naging popular gamitin ang ulo ng baboy sa sisig?

Ayon sa website na Wikipedia, naging popular daw ang pag gamit sa ulo ng baboy noong panahong na ang mga Americano ay nag babase sa Clark Air Base, noong mga panahong iyon hindi ginagamity ang ulo ng baboy sa mga Commissaries ng Base militar, kaya karaniwang ibinebenta ng mura ang ulo ng baboy at kung minsan nga ay tinatapon lang at pinamimigay lang.

Dahil mura at maraming supply ng ulo ng baboy ginamit ito ni Aling Lucing sa pag gawa ng pork sisig. Ayon sa interview ng Kapuso Mo, Jessica Soho – isang popular at sikat na programa ng GMA 7 – Kay Aling Lusing, na noon ay nagbebenta ng pagkain sa kanyang karinderyang malapit sa riles ng tren sa Angeles nong 1974, aksidente raw na nasunog yung linuluto niyang tenga ng baboy at dahil ayaw nya itong masayang tinad tad nya ito at tinimplahan, at mula noon naging popular itong pulutan sa mga inuman. Pero kung ako ang tatanungin mo mas ok itong kasabay ng mainit na kanin.

Dahil sa popularidad ng Pork Sisig noong taong 2003 prinoclima ni Mayor Carmelo Lazatin and Sisig Festival na pinagdiriwand tuwing Disyembre sa ciyudad ng Angeles, layon nito ang pag popromote sa culinary prowes ng ciyudad ng Angeles at iba pang magagandang lugar pasyalan, at pagkain sa nasabing siyudad, na tiyak namang dinadayo ng mga local at international na turista.

Talagang iba Ka KaPinoy, sadya talaga tayong malikhain – isipin niyo basura na ng mga Americano noon, nayo, with a little Filipino ingenuity naging patok at popular na Pulutan at pagkain ng ating bayan.

 

References:

Origin of word Sisig: https://search.library.wisc.edu/catalog/9910055246402121
Sisig: https://en.wikipedia.org/wiki/Sisig#Sisig_queen
Aling Lucing’s original sisig from Pampanga: https://www.youtube.com/watch?v=wXZzMJkS5g8