May tao pa bang walang account sa social media?

Facebook, Youtube, Instagram, Twitter, o Tiktok –  Buong mundo ang gumagamit ng mga platforms na ‘to.

Maraming careers ang nagsimula dahil sa kasikatan sa social media.

Kapag lagi kang viral, tiyak na sisikat ka!

Isa na dito si Nicole Caluag. 

Kung isa kang Tiktoker or mahilig manood ng Youtube videos, siguradong isa si Nicole Caluag sa mga influencer na kilala mo. 

Si Nicole Caluag ay isang sikat na Youtuber, Social Media Personality (gaya sa Tiktok) Makeup Artist, Dancer, at singer. 

Nagmula siya sa isang kilala at mayaman na pamilya.

Ipinanganak siya noong November 30,  1993 at 27 taong gulang na si Nicole ngayon.

Bata pa lamang siya ay mahilig na talaga siya sa mga make-up.

Nagsimula sl Nicole sa kanyang Youtube Channel noong May 04 2017.

Pagdating naman sa buhay pag-ibig, si Nicole ay happily married na sa isang Businessman na si Bong Sto. Dominggo.

Hindi nila hinahayag kung kailan nga ba ang eksaktong petsa at taon kung kailan sila nagpakasal. 

Siguro ay gusto niya na maging Pribado ang kanilang buhay pag ibig.

Nakuha niya ang kasikatan matapos mag viral ang kanyang mga Youtube videos.

Mahigit sa 150,000 na ang Followers sa kanyang Facebook page. 

Halos Karamihan sa kanyang mga video content ay tungkol sa Beauty and travel Blogs.

Dito sya higit na kilala -sa husay niya sa pag memake-up.

Nag-uupload din siya ng mga nakakatawang videos kasama ang kanyang pamilya sa kanyang Youtube Channel.

Si nicole din ay napabalitang may nakaalitan na isa ring social media influencer.

Sya si Rosmar Tan na isa ring Tiktoker.

Isa ka rin ba sa sumubaybay dito mga ka Pinoy Vibes? Ano ang masasabi niyo dito mga ka Pinoy Vibes? Para sa iyong reaksyon, mag comment at maglike sa aming official Pinoy Vibes Account.