Ikaw ba ay single at 40 parin? Kinakabahan o kaya naman kinakantsawan ng mga tao na malungkot at nag-iisa? Masama ba ang maging single sa ganitong edad?

Sinasabi nila na ang panahon o edad na ito ang pinakamagandang dekada para sa isang single. Alam na nila kung sino sila sa lipunan at alam na nila kung ano ang gusto nilang gawin. Mas matatag na sila sa kanilang karera at hindi  hahayaan ang mga maliliit na bagay sa buhay na makagambala o makapag pahamak sa kanila. Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit ang pagiging single sa edad na 40 ay hindi nakaka-pangamba.

Zero Obligations

Bilang single, malaya kang gawin ang gusto mo at wala kang obligasyon sa iba.Walang sinuman ang maaaring sabihin sa iyo kung ano ang dapat mong gawin, kung kailan mo dapat gawin ito, o na hindi nila gusto ang iyong ginagawa

Gastusin ang iyong pera sa paraang gusto mo

Hindi mo kailangan tanungin ang iyong kapareha, halimbawa, kung may sa badyet ba kung nais mong bumili ng bagong kwintas o relo. Ikaw rin ang masusunod kung gaano karami ang iyong gagastusin sa mga gusto mong bilhin 

Solo Travels

single at 40 travelling

Kung magtatravel ka nang mag-isa, pipiliin mo ang mga pasyalan na gusto mo puntahan na hindi nag-aalala tungkol sa nais ng iyong kapareha.Dahil pwedeng gusto ng isa ay magpunta sa mga bundok  habang ang isa naman, sa dagat.

Maaari ka pang Makakilala ng mga Bagong Tao

Ang pakikipag-date ay maaaring makatulong sa iyo na mapalawak ang iyong social network at maaari ring maging masaya.Kaya, kung single ka man ngayon, napakaraming tao na maaari mo pang makilala.

Ang Libreng Oras mo? Rest day? Sayo lamang ito! Pamper pamper din!

Hindi mo kailangan mag-alala tungkol sa pagtatalo sa kung paano mo nais gugulin ang iyong mga araw na libre. Pati na rin sa kung kaninong bahay ang pupuntahan mo para sa mga pista opisyal.

Maaari kang magplano ng gagawin sa Hinaharap

Kapag tinanong mo ang karamihan sa mga tao kung ano ang kanilang pinakamalaking layunin sa buhay, sasabihin nila sa iyo na ito ay ang maging masaya. Kapag ikaw ay walang asawa o karelasyon, mayroon kang kakayahang piliin ang mga plano na tingin mo ay makakapagpasaya sa’yo.

Hindi mo Kailangang Makitungo sa ibang  Pamilya

Kapag ikaw ay walang karelasyon, mayroon ka lamang isang pamilya na dapat pakitunguhan. Hindi ka rin mag-aalala na baka hindi ka nila magustuhan.

Maaari kang Mag-focus sa Iyong Mga Kaibigan

Ang relasyon ay maaaring dumating at mawala,  ngunit ang mga matagal mo ng kaibigan ay laging nandyan para sayo.

Hindi naman ibig sabihin nito na hindi masaya o maganda ang may lovelife o karelasyon. Masarap rin ang pakiramdam ng pagmamahalan. Ang pagiging single o may karelasyon man ay parehong may kagandahan. May mga problema rin sa bawat isa.

Kung nararamdaman mong handa ka nang bitawan ang solong buhay,Aba! Mag-umpisa ka nang hanapin si “The One” at humingi ng payo sa mas nakakaalam!