Dahil sa Bodycam ng isang Asian American New York Police Detective,  kitang kita ang lalaking racist sa paninigaw nito sa kanya sa lugar ng Manhattan.

Naatasan ang isang asian officer na 16 na taon ng beterano malapit sa Stonewall Inn noong March 11. Nang lapitan siya ng isang nagpoprotestang lalaki at magsimulang magsalita ng galit niya laban sa mga asyano, ayon sa nagulat ng insidente.

“Suck a dog’s d—k, p—-y. Then cook it and eat it in front of your mother,” ayon sa galit na galit na lalaki sa opisyal.

Sinabi pa nitong, “a goddamn tea party,” at paulit ulit na “soy sauce” na tila nang aasar.

Racist

 

 

Photo Credit: NYP

Nagsimula ang mga ganitong pagatake at verbal racist sa mga pulis noong nakaraang taon dahil sa police brutality at rasismo.

Ang opisyal na target sa pangyayari ay naisip na mag file ng kaso, ngunit binawi rin. Ayon sa ulat, ikinonsidera na maaaring hindi naman ito umabot sa asian hate crime.

Sinabi ni Mayor Bill De Blasio noong nakaraang linggo, na dapat komprontahin ang mga taong nag aakusa ng masasakit na salita laban sa mga asyano kahit na hindi ito pumapantay sa lebel  ng asian hate crime.

Aniya pa, ang NYPD ay dapat na gumawa ng paraan upang hadlangan ang mga nakakagambalang pagtaas ng krimen laban sa mga Asyano.

Racist

 

 

Photo Credit: NYP

Mga Racist lalong lumala

Ang lalaking racist umano ay nakilala ng pulisya na dati ng naaresto dahil sa mga terroristic threats at aggravated harassment.

Dagdag pa, lumala ang verbal attacks ng dahil sa nangyari kay George Floyd  noong nakaraang taon.

Ayon kay  Paul DiGiacomo ng Detectives Endowment Association, ang mga ganitong pangyayari ay karima rimarim at kasuklam suklam. Ngunit sinabi rin nito na hindi nakakagulat ang mga ganitong insidente.

“This is the sad reality that police have to deal with and feckless politicians have been invited,” ayon sa union.

Sinabi pa ni  DiGiacomo na dapat lang napurihin ang detective dahil sa panatili nitong kalmado sa insidente.

“deserves high praise for his calm reaction.”