Ipinanganak si Rabiya Mateo noong Nobyembre 14, 1996 sa Balasan, Iloilo. Isang Filipina ang kanyang ina at ang kanyang ama naman ay Muslim Indian American. Ang kahulugan ng kanyang pangalan ay “princess” or “queen”. Si Rabiya ay may taas na 5’7 at kasalukuyang may edad na 24. 

Instagram

Si Rabiya ay nakapagtapos noong March 2018 sa kursong Bachelor of Science Degree in Physical Therapy at nagkamit din siya ng karangalan bilang isang Cum Laude sa Iloilo. Noong Agosto 2018, nakapasa siya bilang isang licensed Physical Therapist. Siya ay nagtatrabaho bilang isang lecturer sa mga piling review center sa kanilang lugar upang ibahagi ang kanyang natutunan at kaalaman. 

Instagram

Ang ating beauty queen ay lumaki sa isang broken family at kahirapan, ito’y hindi naging hadlang upang makamit niya ang kanyang mga pangarap sa buhay. Bahagi din siya ng isang charity na tumutulong sa edukasyon ng 

Instagram

Si Rabiya ay itinanghal bilang Miss Iloilo 2020 noong January 23. Ito ang pinakaunang pageant na sinalihan niya. Dito na nagsimula ang kanyang career dahil pagkatapos nito ay siya ang kumatawan sa Iloilo City sa Miss Universe Philippines 2020 pageant. 

Instagram

Isa siya sa mga 74 na kandidata na lumaban para makuha ang korona at ito ay ginanap sa Hollywood, Florida noong May 16, 2021 sa Amerika.

Instagram

Namangha ang mga Pinoy sa ipinakitang kagandahan ni Rabiya habang suot ang kanyang swimsuit at evening gown sa preliminary round ng Miss Universe. 

Ang kanyang matingkad na yellow dress na may swarovski crystals at iba pang glittering materials ay inspired sa “radiance of the Philippine sun” na sumisimbolo sa positivity at optimism. 

Instagram

Ngunit humingi ng pasensya si Rabiya sa kanyang Instagram live video sa mga Pilipino dahil sa disappointment nila sa kanyang national costume. 

Ayon kay Miss Universe Philippines na si Shamcey Supsup kaya hindi isinuot ni Rabiya ang kanyang headpiece sa kadahilanang lagi itong nahuhulog at masyadong mabigat ang pakpak sa kanyang costume.

Instagram

Ginanap na nga ang final ng Miss Universe 2020 pageant sa Florida at nasungkit ng Pilipinas ang Top 21. Confident na sinuot ang kanyang yellow swimsuit at ng banggitin na muli ang top 10 ay hindi na napasama ang Pilipinas. Dito na din natapos ang journey ni Rabiya Mateo bilang Top 21 sa 69th Miss Universe pageant. 

Instagram

“It was such a beautiful moment to represent you, Philippines. I am forever honored to be part of the legacy, of our history” sinabi ni Rabiya sa kanyang Instagram. 

Naniniwala siya na binigay niya lahat ng kanyang makakaya at sakripisyo para sa pageant na ito. Madaming Pilipino ang nagpasalamat at natuwa sa lahat ng paghihirap ni Rabiya lalo na ang mga dating  naging bahagi ng Miss Universe Pageant kabilang si Catriona Gray at Pia Wurtzbach.

Sa mga puso ng mga Pilipino, ikaw pa rin ang kanilang Miss Universe, Rabiya Mateo!