Kamakailan, nabalita ang Isang 11 taong gulang na bata na namatay dahil sa Rabies mula sa hayop, ng isang tuta. Hindi niya ipinaalam ito sa kanyang mga magulang. Sinabi lamang ng mga kalaro ng bata na nakagat ito. Nangyari ito sa bayan ng Marilao, Bulacan.

Alam mo ba ang gagawing first aid kung nakagat ka ng aso? 

florinroebig

Narito ang mga safety tips para makaiwas sa RABIES MULA SA HAYOP

Napakadelikado ng rabies mula sa kagat ng aso. Ayon sa DOH, 200-300 cases ang naitatala na namamatay mula sa rabies kada araw?. Mayroong 100% fatality rate ang rabies kaya mahalagang agapan agad ang sakit na ito.

Wikipedia

Ang rabies ay isang viral infection at animal disease  na maaaring mula sa pusa, aso, o iba pang klase ng hayop. Maaaring malipat sa tao ang rabies sa pamamagitan ng kagat o galos mula sa isang infected animal. Nangyayari ito kapag ang laway ng hayop ay nagkaroon ng direct contact sa tao sa pamamagitan ng sariwang sugat nito.

Kapag ang alaga mong aso o hayop ang nakakagat o nakakalmot sa’yo,  mabuting gawin ang mga ‘to:

Wikihow
  1. Hugasan ng sabon at itapat sa gripo para patuloy ang daloy ng tubig. Gawin ito hanggang 5 minuto.
Wikihow
  1. Mag-apply ng antiseptic na cream o ointment.
Wikihow
  1. Diinan ng malinis na tela ang sugat upang mapigilan ang pagdurugo.
WikiHow
  1. Obserbahan ang taong nakagat kung ito ay nilalagnat, namamaga o namumula ang gilid ng sugat, o kung nagkaroon ito ng nana, o kung ito ay nanghihina at nagsusuka.
Wikihow
  1. Obserbahan rin ang aso kung may senyales ito ng impeksyon ng rabies.

Kung ang pagala-galang hayop gaya ng asong kalye ang kumagat sa tao, bukod sa mga nauna kong nabanggit ay mabuting dalhin sa ospital ang pasyente  Upang maobserbahan at  mainjectionan ng tetanus booster at antibiotic 

Wikihow

Ito ay para masiguro na maayos ang kalagayan ng pasyente at maiwasan ang RABIES MULA SA HAYOP

Narito naman ang mga sintomas ng RABIES?

pa.gov
  1. Lagnat
  2. Paglalaway
  3. Hirap sa paglunok
  4. Walang ganang kumain
  5. Pagsusuka
  6. Hallucinations
  7. Paninigas ng katawan at
  8. Pagkakaroon ng takot sa ilaw

Upang maiwasan ang mga ito, mabuting bigyan ng aral lalo ang mga bata ana umiwas sa mga hindi kilala na asoTuruan sila na magsabi agad kung sila ay nakagat o nakalmot.  Dahil kapag lumabas na ang sintomas ng rabies sa bata ay wala na itong lunas kaya’t marapat na maagapan.