Nagbigay ng pinakabagong deklarasyon ang Korte Suprema tungkol sa batas ng pagpapawalang bisa sa kasal, na ang Psychological Incapacity ng asawa ay isang LEGAL na konsepto, at HINDI medikal.

Nito lamang Martes, Mayo 11, 2021, sa desisyon ng Korte Suprema, ang batayan na Psychological Incapacity” o  kakulangang sikolohikal upang mapawalang bisa ng isang kasal sa Pilipinas ay legal na basehan na at hindi medikal.

Nakasaad sa ilalim ng Artikulo 36 ng Family Code, na “null” ang isang kasal at walang bisa kung ang asawa ay walang kakayahan na sikolohikal para magampanan ang tungkulin bilang asawa, kahit na ang nasabing kawalan ng kakayahan ay lumitaw lamang pagkatapos ng  kanilang kasal.

Article 36 of the Family Code mandates: 

“(a) marriage contracted by any party who, at the time of the celebration, was psychologically incapacitated to comply with the essential marital obligations of marriage, shall likewise be void even if such incapacity becomes manifest only after its solemnization.”

Leonen Ruling sa Psychological Incapacity

Ang Psychological Incapacity na batayan ay itinuturing na isang medikal na basehan noon. Sa panibagong deklarasyon ng korte, hindi lamang tumutukoy ang “Psychological Incapacity” sa mga kondisyong permanente at walang lunas. Paliwanag pa nila, hindi rin kailangan lagi ng testimonya mula sa Psychiatrist o Psychologist para sa lahat ng kaso. Kung kumpleto at malinaw ang mga ebidensya, sapat na ito upang ideklara na “null” ang isang kasal.  

Ayon sa 1997 case o Molina Doctrine, ang kakulangan sa kapasidad pang-sikolohikal ay dapat na tukoy sa paraang medikal at lumalabas sa panahon ng pagsasama ng mag-asawa.

Ngunit sa Leonen Ruling, nakasaad dito na ang “Psychological Incapacity” ay hindi pang- medical kundi ito ay legal na konsepto. 

Ano ba ang Psychological Incapacity?

Artstation

Sa madaling pakahulugan, ito ang kawalan ng kakayahan na gampanan ang tungkulin bilang asawa sa kanyang asawa. Kasama rito ang pagbibigay ng pagmamahal, respeto, at suporta. Nagbigay ng halimbawa si Mr. Eduardo Martinez, isang columnist ng Daily Tribune, para madali itong maunawaan. 

“Nagmamahalan si X at Y. Matapos nilang maging mag-asawa, nagsimula nang makitaan si X ng mga bagay na hindi tugma o incompatibility kay Y. Nang tumagal, hindi na makikita na mahalaga sa kanya si Y. Hindi na niya ito iginagalang. Hindi na rin niya nais na makipagtalik kay Y. Tumigil na rin siya sa pagsuporta kay Y.

Samakatuwid, tumigil na siya sa mga dapat niyang gawin bilang asawa kay Y. Nagbunga ito sa maraming mga pagtatalo hanggang sa hindi na nila matagalan ang isa’t-isa. Walang third party sa kanilang problema.

Humingi na ng propesyonal na tulong si Y mula sa Psychiatrist. Nalaman nila na si X ay isang narcissistic (egocentric). Ito ang ugat ng Psychological incapacity ni X. Dahil dito, dineklara ng korte na void ab initio ang kanilang kasal.

Maayos na nakikitungo si X sa mga tao, liban sa kanyang asawa. Maayos ang kanyang relasyon sa kanyang mga anak, sa kanyang mga katrabaho, at sa kanyang pamayanan. Para sa kanyang mga katrabaho, napakahusay niya dahil sa mga nagawa nya. Mabuti pa rin siyang kaibigan sa kanyang mga kaibigan.

Marami ang nagkakamali at nag-aakala na magkatulad ang problemang mental at psychological. Ngunit sila ay magkaiba.

Tulad sa ibinigay na halimbawa, maaaring ang isang tao ay psychologically incapacitated sa kanyang asawa lamang, ngunit isa pa ring regular na tao sa lahat. 

Kaya naman, MALI ang isipin o mali ang pag unawa ng marami na kapag psychologically incapacitated ang isang tao, hindi na niya kayang makitungo sa mga tao, bayolente, at hindi kayang magtrabaho. 

Iba pang batayan para sa Nullity ng kasal sa ilalim ng Article 3 ng Family code ay ang mga sumusunod: 

Freepik
  1. Una, Ang isa sa asawa ay underage; 
  2. Pangalawa, ang ang mag-asawa ay magkapatid o nasa isang lahi o angkan.
  3. Pangatlo ay hindi otorisado ang taong nagkasal at;
  4. Pinakahuli, ang kaso ng mistaken identity.

Ang desisyong ito ay patuloy paring pinag uusapan sa High Court katulad na lamang ng same-sex marriage at Karapatan sa mana ng anak sa labas. Sa kasalukuyan, ibinasura na ang petisyon sa same-sex marriage samantalang ang petisyon ng mana ng anak sa labas ay nananatiling nakabinbin.

Samantala, ang panukalang batas na naglalayong gawing legal ang diborsyo sa Pilipinas ay nakabinbin sa komite ng kamara. Ang House Bill blg. 100 o panukalang Absolute Divorce Act ay isinulat ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman.

Ikaw, ka-pinoy Vibes, sang-ayon ka ba na ang psychological incapacity ng asawa ay LEGAL na konsepto at hindi na medikal na basehan para mawalan ng bisa ang isang kasal?