Saan-saan ba maganda ang Property Investment at Zambales? Naghahanap ka ba ng lupa na malapit sa dagat? Nais mamuhunan sa mga lupain? Isama mo sa’yong listahan ang Zambales! Saan-saan nga ba at paano ka makakahanap rito?

Spot.ph

Isa ang Zambales sa magagandang lugar para mag-invest kung naghahanap ka ng may dagat. Talaga namang napakaganda ng  beaches dito, mga coves, at malinaw ang tubig Kaakit-akit ang lugar mapa-turista man o mga kababayan natin. Anu-ano ang mga lugar na magandang gawing investment sa Zambales?

Property Investment at Zambales picture showing zambales beach
Esquirre

Paano kung nasa ibang bansa ka? Ano ang mga dapat mong gawin? Narito ang isang halimbawa:

Isang kababayan natin na itago natin sa pangalang Bro ang nais kumuha ng lupain sa Zambales, ngunit nasa Amerika siya. Isang paraan upang makakuha ka ng detalye sa mga lupain ay kumuha ka ng Trustee or License Agent. 

Sila ay may mga access sa mga iba’t ibang property depende sa lugar na kung saan mo nais mag invest. Maaring mag inquire muna at siguraduhin na sila ay lisensyado para sa magandang transaksyon.

Magkano ang bayad sa mga Trustee or Agent?

Kadalasan, kumikita sila sa seller side dahil meron silang 5% commission sa kabuuang benta ng lupa.

Ano ang advantage?

Sila ang nag aasikaso sa transaksyon o usapan ng nagbebenta ng lupa at bumibili nito. Magbibigay rin sila ng mga rekomendasyon kung ano ang mas maayos na paraan para makaiwas sa aberya.

Narito at panoorin ang mga lugar sa Zambales  kung saan ipinakita ng isang trustee sa kanyang kliyente ang daan mula sa Provincial road ng Zambales papunta sa mga lugar kung saan sya maaaring mag-invest.

1.       El Zamba Villas

2.       Cabangan Zambales

angkaladkarin

Ang pag iinvest sa panahon ng pandemya ay nararapat na pag aralan mabuti lalo na kung ikaw ay nasa ibang bansa.  Huwag kang mag alala dahil sagot ka ng Pinoy Vibes kung ikaw ay may mga katanungan. tungkol sa Property Investment at Zambales!