Ipinagdiriwang ang LGBTQ  Pride Month bawat taon sa buwan ng Hunyo bilang pag-alala sa 1969 Stonewall Uprising sa Manhattan. Ang Stonewall Uprising ay isang importanteng kaganapan para sa Gay Liberation Movement sa Estados Unidos.Alam mo ba kung paano at sino ang nagsimula ito?

Ang pinagmulan ng LGBTQ Pride Month ay ang naganap noong gabi ng Hunyo 28, 1969. Sinalakay ng pulisya ang Stonewall Inn ng gabi na ‘to,Isa itong gay club sa Greenwich Village. Dahil dito, nagkaroon ng  kaguluhan sa Christopher street ng gabi na ito.

saymedia

Nagbunga ito ng mainit na protesta na tumagal ng anim na araw. Hiling ng mga nagpoprotesta na magkaroon ng mga lugar kung saan maaaring pumunta ang  mga gaya nila. Nais nilang maging bukas ang lahat tungkol sa kanilang oryentasyon o sekswalidad.Hiling nila na mawala na ang takot na maaari silang arestuhin.

Ang Pride Month ay lalo pang naisulong sa pagsisimula ng bisexual activist na si Brenda Howard. Kilala siya bilang ‘The Mother of Pride’ Siya ang nagsaayos ng pagkakaroon ng Gay Pride Week Si Brenda rin ang nagtulak sa pagdaraos ng Christopher Street Liberation Day Parade isang taon matapos ang kaguluhan sa Stonewall.

newyorker

Kilala na ito ngayon na New York City Pride March at ginaganap na rin sa iba’t ibang parte ng mundo.

Wikipedia

Si Gilbert Baker naman ang nagdisensyo ng watawat ng  Pride sa San Francisco noong Marso 1978.

usembassy

Si Bill Clinton ang kauna-unahang Pangulo ng Estados Unidos na opisyal na kumilala sa Pride Month noong 1999 at 2000. Idineklara ni Barack Obama ang Hunyo bilang LGBTQ Pride Month. At Noong Mayo 2019, kinilala ni Donald Trump ang Pride Month.

abc7ny

Ang New York Pride Parade noong 2019 ang pinakamalaking parada na naganap sa buong mundo. Mahigit sa 2 milyong tao ang nakilahok dito. Napakahalaga ng buwan na ito para sa LGBTQ community dahil minarkahan nito ang pagbabagong umuusbong ngayon.

Bagaman nakararanas pa rin ng kawalang-katarungan ang LGBTQ community, malayo na ang narating nito mula noong 1969. Inaasahan na lalaki pa ang pagbabago na makakamit ng LGBTQ community sa mga susunod na panahon Dahil na rin sa pagpapatuloy ng mga  inumpisahan ng mga lider gaya ni Brenda.