9 out of 10 ng kababaihan ang nakakaranas ng Pre-menstrual syndrome (PMS). Kaya problema talaga ito ng maraming kababaihan.

May toyo nga ba ang mga babae? 

Bakit sinasabing masungit ang mga babae kapag may period sila? Bakit madalas mahirap sila maunawaan?

Isa sa mga pinakamalaking isyu na kinakaharap ng mga babae ang “mood swings” bago o habang meron silang period. Kadalasan, may kasama pa itong pananakit ng ulo, puson, balakang, at iba pa. At ginagaw lamang biruan o katatawanan ito ng ilang kalalakihan.

9 out of 10 ng kababaihan ang nakakaranas ng Premenstrual syndrome o PMS. Kaya problema talaga ito ng maraming kababaihan.

Ano ba ang PRE-MENSTRUAL SYNDROME (PMS)?

Freepik

Ito ang pisikal at emosyonal na pagbabagong nararanasan ng babae 2 linggo bago ang kanyang menstrual period.

Ang mga sintomas nito ay

Freepik
  1. Pananakit ng balakang o puson
  2. Anxiety at Depressed mood
  3. Mood swings, irritability, or anger
  4. Appetite changes and food cravings
  5. Pananakit ng ulo
  6. Abdominal bloating
  7. Breast tenderness
  8. Pagdami ng tigyawat
  9. Constipation o kaya pagtatae

Maraming nagsasabi na nararanasan nila ang ilang sintomas at may iba naman na matindi ang mga nararanasan. Nakasanayan ng marami at sinasabing normal lamang ito sa mga kababaihan ngunit PRE-MENSTRUAL SYNDROME (PMS) IS NOT NORMAL.

PMS IS NOT NORMAL

Hindi kailangang umabsent o mag-sick leave ang mga kababaihan dahil dito. Hindi mo ito kailangan maranasan sa tuwing may period ka. Dahil kaya mo itong maiwasan. Malinaw na senyales ito ng hormonal imbalance.

Kaya ba ng mga kababaihan na hindi magka-PMS sa tuwing magkakaroon siya?

POSIBLE

Dapat mo lang maintindihan kung ano ang iyong kinakain at ginagamit sa’yong katawan, ang iyong mga nakagawian at lifestyles na nakakaapekto sa’yong hormones. Mayroong pinakamahalagang hormones sa  menstruation (regla) at ovulation (pangingitlog) ng mga babae –

Ang Estrogen o oestrogen at Progesterone

Ang una hanggang pangalawang linggo ng menstrual cycle ay tinatawag na Follicular Phase.

Follicular Phase

Mataas ang level ng Estrogen sa panahong ito. Mapapansin na mas maaliwalas ang itsura ng mga babae sa panahong ito, maayos na nakakakilos, at maganda ang kanilang pakiramdam.

Sa pangalawa hanggang pangatlong linggo o Luteal Phase

Luteal Phase

Bumababa na ang estrogen level sa panahong ito at dapat tumaas naman ang Progesterone levels.Ngunit kapag hindi nangyari ang ganito, nagkakaroon ng imbalance  Kaya nagkakaroon ng PMS

Ano ang mga sanhi o nakakapagpalala ng PMS?

  1.  Environmental toxins

Ang ating kapaligiran ay puno ng mga nakakasamang kemikal kasama na rito ang mga cosmetics (make-up) at personal care products.

Umiwas sa malimit na paggamit ng plastics. Lagi rin tandaan na kung ano ang ilagay o ipahid natin sa balat, nasisisipsip ito ng katawan.

(2) Mahinang panunaw o hindi malusog na bituka

Kapag hindi normal ang panunaw, hindi nailalabas ang sobrang estrogen sa katawan, naiipon at sinisipsip muli ito ng katawan. Kaya nagkakaroon ng estrogen dominance.

Iwasan ang pag-inom ng mga laxatives at mga gamot tulad ng painkillers at antibiotic dahil nakakasira ito sa’yong gut health.

Kumain ng pagkaing puno ng probiotics.

(3) Kakulangan sa Nutrisyon at abnormal  sugar levels.

Healthy eating dapat. Umiwas sa mga sugary food, processed, at packeted junk food. Kaya ang pagkain ng junk foods para gumaan ang pakiramdam AY HINDI DAPAT.

(4) Kulang sa Ehersisyo at sobra ang taba sa katawan.

Ang mga sobrang taba sa katawan ang isa sa nangungunang sanhi ng hormonal imbalance. Kaya, mag-exercise!

Makakatulong ang pag woworkout upang mailabas ng katawan ang Endorphins o mood enhancing chemicals. Makakatulong ito sa paglaban sa emosyonal na epekto ng PMS. Ngunit dapat ang ehersisyo ay regular at hindi bago o kapag mayroon ng menstruation.

(5) Chronic Stress and anxiety 

Kapag ang babae ay stressed, naglalabas ang katawan ng cortisol. Ang labis na cortisol ang sanhi ng mahinang immune function, kaya mas madaling madepress at magkaroon ng mental illness ang tao.

(6) Poor Sleep
Kinakailangan ang pagtulog ng tama para sa pagpapasigla, pagsasaayos, at maitama ang balanse ng mga hormones.

(7) Caffeine and Alcohol

Ayon sa mga pag-aaral, mas tumataas ang estrogen levels ng mga babaeng nakakadalawang tasa ng kape kada araw. Nakakapagpataas din ng natural at synthetic estrogen ang alcohol o alak.

Kung mas mataas ang level ng isang hormones kaysa sa isa, doon nagkakaroon ng imbalance. Umiwas din sa pag-inom ng mga ito.

Walang side effects ang pagbabago ng lifestyle.

Freepik

Mas mainam ang pagbabago ng nakagiwan o lifestyle kaysa sa pag-inom ng mga gamot para sa PMS. Ngunit ang pagbabago ng lifestyle ay kailangan ng disiplina, determinasyon, at commitment.

Kaya dude, ‘wag gawing biro o pang-asar ito sa mga babaeng may PMS o nasa kanilang period.

Have compassion for a female with PRE-MENSTRUAL SYNDROME (PMS). Smile inside and be happy it’s not you. Keep in mind that it is only temporary. If you love her, let her know even more than usual when she is cranky during her PMS or periods. If she is going too fast, stay out of her way. If she is depressed and going slow, stay by her side.

P.S. Don’t buy her a box of chocolates