Si PNP Chief Guillermo Eleazar, ang bagong PNP Chief ng Pilipinas at ika-anim na PNP Chief sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Ikinagulat ng buong Pilipinas nang labagin ng dating PNP Chief na si Sinas ang COVID-19 Protocol sa pagdaraos ng kanyang birthday party noong 2020. Dahil dito, tinagurian siyang ““Mañanita Cop.” Nagretiro na si Sinas nitong ika-8 ng Mayo 2021 at nagtalaga na ng panibagong Philippine National Police Chief noong ika-5 ng Mayo, 2021.

Pinalitan ito ni Lieutenant General Guillermo Eleazar, ang ikalawa sa highest-ranking na pulis sa bansa. Kabilang si Eleazar sa hanay ng Philippine Military Academy (PMA) HInirang Class of 1987. Matapos ang sampung taon sa serbisyo ay itinalaga na si Lieutenant General Guillermo Eleazar na bagong PNP Chief, ang highest ranking na pulis sa mahigit na 220,000 kapulisan sa buong bansa.. Siya ang ika-anim na PNP Chief sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Si PNP Chief Guillermo Eleazar, ang bagong PNP Chief ng Pilipinas at ika-anim na PNP Chief sa ilalim ng administrasyong Duterte.
abs-cbn Twitter

 ‘Through a Napolcom resolution, Eleazar was recommended to be the next chief PNP based on seniority, merit, service reputation, and competence to lead the police force,’

Interior Secretary Eduardo Año

Rappler

SINO SI PNP CHIEF GUILLERMO ELEAZAR?

Si PNP Chief Guillermo Eleazar ay tubong Tagkawayan, Quezon, na nakilala nang una siyang italaga bilang Quezon City Police District at kalauna’y pinamunuan ang National Capital Region Police Office. Siya rin ang itinalaga na pamahalaan ang war on drugs ni Pangulong Duterte.

Sa kasagsagan ng kanyang panunungkulan, nakakuha ng high-trust rating ang QCPD sa February 2018 survey. Sa kanyang pamamalakad din nagsimula ang tagline na “’Proud to be QCPD.” Kilala si Eleazar na isang istriktong disciplinarian. Pinamunuan rin niya noong April 2018 ang Calabarzon bilang regional director at muling binalik sa Metro Manila noong June 2018.

Si PNP Chief Eleazar rin ang unang commander ng Joint Task Force COVID-19 Shield na itinalaga ngayong panahon ng pandemya. At bukod dito, malaking hamon sa kanyang pamumuno ang pagbawi ng tiwala ng tao sa PNP.

Sa pagtatalagang ito, pinuri at pinayuhan siya ng mga senator. Malaki rin ang tiwala ng palasyo sa bagong PNP Chief.

ABS CBN NEWS Twitter

“To be appointed as the Chief PNP is a rare opportunity, but comes with the challenges of good leadership and meeting the high expectations of the Filipino people. I accept these challenges,” ayon kay PNP Chief Eleazar.

Panoorin ang aming video tungkol dito: