Sikat na sikat na ngayon ang vlogging.

Napakaraming mga Pilipino ang nagsisimula at sumusubok na pasukin ito.

Dahil rin sa vlogging, napakarami ng careers ang nabuksan at marami ng buhay ang guminhawa.

Balikan natin ang mga naunang Youtube vloggers dito sa Pilipinas.

 JAMICH

Ang Jamich ay isa sa Youtube’s popular loveteam noong taong 2011.

Ang Content nilang pinamagatang “BY CHANCE” ang kauna unahang nilang upload sa youtube.

Humakot ito ng 700,000 views with at nakahakot ng maraming subscribers. 

After 6 years, official nilang inihayag ang kanilang engagement. 

Si Mich liggayu ang unang nag propose kay Jam Sebastian na ginanap sa Philippine International Convention Center noong MAY 11 2014. 

Bago pa man ang kanilang naging engagement, si sebastian ay na diagnosed na may stage 4 Lung Cancer. 

Sa kasawiang palad, si Jam Sebastian ay binawian ng buhay noong March 4 2015. 

Ikinalungkot ito ng maraming tagasubaybay at lalong nakilala ang kanilang lovestory.

MOYMOY PALABOY

Nakilala ang Moymoy palaboy dahil sa mga nakakaaliw nilang lip sync videos sa Youtube

Isa silang duo na binubuo ng magkapatid na  na James Ronald at Rodfil Macasero.

Sinimulan ng magkapatid na mag upload ng kanilang mga Lip Sync Videos noong 2007.

May 21,008 ang kanilang mga video uploads.

Mayroon silang mahigit 500,000 subscribers sa Youtube.

Isa sa pinàkasikat nilang videos sa youtube ang EVERYBODY ng BackStreet boys, WANNA BE ng Spice Girls, at MARIMAR ni Thalia.

MiCHAEL JOHN TUMANGUIL PESTANO BUSTOS o “MIKEY BUSTOS”

Isang Canadian-Filipino si Mikey Bustos.

Very open si Bustos tungkol sa kanyang FILIPINOPHILIA 

Ang kanyang popular videos ay may mga paksa na FILIPINISM PHILIPPINE ENGLISH PHONOLOGY at FILIPINO CULTURE TUTORIALS. 

Kabilang dito ang pagkain ng Balut, Filipino Dining, at kung paano manligaw ang mga Pilipino.

GUmawa rin siya ng Parody ng BORN THIS WAY ni Lady Gaga na Pinamagatang “PINOY THIS WAY. 

2009 siya nagsimula at nagpapatuloy hanggang ngayon.

RANZ KYLE VINIEL EVIDENTE ONGSEE

Kilala siya sa tawag na RANZ KYLE. 

Naging miyembro  siya ng boyband group na Chicser noong 2010. 

Noong 2008 nagsimula na mag-upload ng mga videos si Ranz. 

Naging tanyag siya noong 2017 kasama ang kapatid na si NIANA GUERRERO sa mga dance cover. 

Mayroon na siyang 14.1 million subscribers sa youtube ngayon. 

MICHELLE DY

Si Michelle Dy ay isang beauty Guru sa Youtube at Social media sensation sa Instagram at Facebook.

Sumikat siya sa kanyang mga make up at Skin Care Tips Tutorial.

Dahil dito nakakuha siya ng mahigit 2.9 milyong subscribers. 

Nagsimula siya mag upload ng videos sa Youtube noong 2011.

Ang kauna unahan niyang video na lumabas sa Youtube ay ang “SMOKEY BURGUNDY EYES (everybody smokey eye)

LLOYD CAFE CADENA 

Kilala rin sa tawag na Kween LC si Lloyd.

Isinilang siya noong September 23 1993.

Nagsimula siya sa Youtube noong  2011 with parodies

Naging sikat siya sa kanyang “LC learns” Series. 

Ang kauna-unahan nyang video ay isang parody ng Shakira’s “RABIOSA” noong June 3, 2011.

May isa pa syang channel na “KAPITAN LC updates” kung saan dati rin siyang nag-uupload dito noong 2010.

Ang kanyang mga content ay tungkol sa pagluluto, Unboxing, mga challenge videos, pranks, at marami pang iba. 

Kilala din si Lloyd sa pagtulong sa kapwa at mga kaibigan.

Ginawan din ni Lloyd ng Youtube channel ang kanyang mga kaibigan na may title na “BAKLA NG TAON.”

Isa si Lloyd Cadena sa tinaguriang PIONEERS ng Youtube Vlogging sa Pilipinas. 

Ngunit nabigla ang lahat sa pagpanaw nito noong September 04, 2020  sa edad na 26. 

WILLIE T. ONG

Mas kilala natin siya sa tawag na Doc Willie Ong.

Isa siyang  Filipino Cardiologist and internist. 

Naging sikat si Doc. Willie sa social media kasama ang kanyang may bahay na si Doctora Liza dahil sa pag uupload nila ng mga health tips o usaping pangkalusugan.

Nagsimula si Doc. Willie sa pag upload ng Youtube videos noong taong 2007. 

Umabot na sa mahigit 700 million views ang kanyang youtube channel at meron itong 6.15 million subscribers ngayon.

WIL LISING DASOVICH

Kilala siya sa tawag na Wil Dasovich. 

Isa siyang Filipino-American TV Personality, Model at Vlogger.

Sumikat siya sa Youtube noong 2014.

Si Wil Dasovich ay Kilala sa Youtube bilang  Travel Vlogger. 

Ipinapakita niya sa kanyang Vlog ang Kultura ng Pilipino. 

Mayroong 386 million views ang kanyang channel at meron na syang 2.64 million subscribers.

Napakarami na ngayong mga bagong sensation sa Youtube.

Ngunit sila na mga nauna ang nag-iwan ng tatak at inspirasyon sa mga nagsisimula pa lamang.

Sinu-sino sa kanila ang iyong sinubaybayan at sinuportahan? Ano ang masasabi niyo dito mga ka Pinoy Vibes?  Para sa iyong reaksyon, mag comment at maglike sa aming official Pinoy Vibes Account.