Kalunos lunos ang sinapit ng isang ginang na Overseas Filipino Worker (ofw) sa Saudi, matapos itong maltratuhin ng kaniyang amo.

Dahil hindi na niya matiis ang ginagawa nito, siya ay naglakas loob na kuhanan ng video ang ginagawang pananakit sa kaniya.

Sa kuha sa video, habang nagluluto ang ginang ay sinisigawan ito ng kanyang amo. Maya maya ay pinagbabatukan na siya nito, hinahampas ng kamay at binabato.

PINAY OFW MINALTRATO SA SAUDI!
Photo Credit: Facebook OCHE page

Hindi pa nakuntento ang amo niyang lalaki, kumuha pa ito ng walis at ipinangpukpok at pinanghampas sa kaniya.

Kahit na kita sa video na nasasaktan ang ginang ay hindi ito umiimik.

Ngunit naisipan niyang iupload ang video, na umani ng sari saring reaksyon mula sa netizen. Ang video ay tumagal ng halos mahigit na apat na minuto.

Ayon sa ginang, dahil hindi na siya nakatiis sa pananakit kaya nagdesisyon na siyang tumakas sa kaniyang amo.

“Noong time na yun nagluluto po ako, hindi ko alam na kukuha pa siya ng walis at hinampas sa likod ko kaya hindi ako lumaban,”

Ani ng ginang na itinago sa pangalang Ara, nalaman ng kaniyang among babae ang pagupload niya ng video sa facebook.

Plano umano ng amo niya na kumprontahin sya tungkol sa video at nagpainit pa ito ng plantsa para saktan siyang muli.

“Balak niya kong plantsahin nun time nayun, naka prepare na yung plantsa.”

Nang utusan syang magtapon ng basura ay nakahanap sya ng pagkakataon tumakas na.

Aniya, ipinahabol pa sya ng amo sa drayber nito.

Samantala, mapalad namang nakahingi sya ng tulong sa 2 Arabo, at tumawag ito ng mga pulis.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng Philippine Overseas Labor Office at ang kanyang among lalaki ay nakulong na.

Buong puso naman ang pasasalamat ng ginang, sa mga netizen na nagbahagi ng kaniyang video.