Itinuturing na ikalawang pinakamalaking pagsabog ng bulkan noong 20th century ang PINATUBO ERUPTION 1991 noong ika-15 ng Hunyo, ng taon na ito. Isang aktibong stratovolcano ang Pinatubo na makikita sa bulubundukin ng Zambales sa isang interseksiyon ng mga hangganan ng mga lalawigan ng Zambales, Tarlac, at Pampanga.Tinawag itong “Pinatubo” dahil sa matabang lupa na mayroon dito at mainam taniman.

Naging tahanan ng libo-libong Aetas ang paligid ng bulkan. Dito sila lumikas ng sakupin ng mga Kastila ang Pilipinas noong 1565.Pinaniwalaanna isang natutulog na bulkan ang Pinatubo dahil sa mahigit 500 daang taon na nitong hindi pagpaparamdam.

PINATUBO ERUPTION 1991
Wikipedia

Ngunit nagsimula magparamdam muli ang bulkan noong ika-16 ng Hulyo,1990. Tumama ang isang 7.8 magnitude na lindol 100 kilometro ng hilagang-silangan ng bulkan.

Wikipedia

Noong Marso at Abril, 1991, nagsimula na itong maglabas ng Magma (molten rocks) Ilang libong mga lindol pa ang naganap sa mga buwan ng Abril, Mayo, hanggang Hunyo. Naglabas na rin ng nakakalason at lubhang mapaminsalang sulfur dioxide gas ang Pinatubo.

Noong Araw ng Kalayaan, ika-12 ng Hunyo, 1991, ang sinasabing muling paggising ng bulkan at unang pagputok nito. Nagpatuloy ang paglabas ng bulkan ng Magma at naganap ang pinakamalaking pagsabog noong ika-15 ng Hunyo, 1991. Nang dahil sa tamang prediksyon mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology at ng U.S. Geological Survey,Nailikas kaagad ang libo-libong residente maging ang ilan sa kanilang mga pagmamay-ari.

Rappler

Inakala ng marami na tuluyan ng mabubura sa mapa ng Pilipinas ang lalawigan ng Pampanga dahil sa tindi ng pagsabog nito. Umabot sa taas na 25-30 kilometro ang lapad ng pagsabog.

ABS-CBN

Naramdaman ang epekto ng PINATUBO ERUPTION 1991 sa buong mundo.  Halos 20 milyong tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan na umabot sa stratosphere. Nagdulot ito ng pagbaba ng pandaigdigang temperatura sa 0.5 °C (0.9 °F) noong 1991 hanggang 1993,at nadagdagan ang pagkawasak ng ozone layer.

Sinasabing 20,000 Aeta ang nawalan ng tirahan at mahigit 200,000 tao na lumikas ang nagbalik sa kanilang mga lugar ngunit marami sa kanilang tahanan at mga kabukiran ang lubog na sa lahar. Ang kanilang mga bukid at lupa ay hindi na magagamit sa mga susunod na 300 taon.

Alalahanin natin ang mga buhay na nawala, mga tahanan at lupaing nasira dahil sa pagsabog nito. Sana’y hindi na ito maulit.