Madalas makaranas ng bagyo ang Pilipinas dahil malapit ito sa Ekwador at sa Pacific Ocean

Dito madalas mamuo ang bagyo. 

Ang mga bagyo na namumuo sa Pacific Ocean ay kadalasang dumadaan sa Silangang bahagi, 

at binabaybay nito ang mga Tropikal na bansa gaya natin.

Isa ang Pilipinas sa bansa na may mataas na humidity o moisture sa atmosphere.

Karaniwan na sa atin ang makaranas ng hanggang dalawampung (20) bagyo kada taon.

Ang PAG-ASA ang nakatutok at nagbibigay ng pangalan sa bawat bagyo

at inuulit muli ang mga pangalang ito kada tatlong taon.

Epekto na rin ng climate change o pagbabago ng klima ang pagdami ng bagyo na ating nararanasan.

Balikan natin ang mga bagyong hindi natin makakalimutan.

Super Bagyong Ruping (Mike)

Isa ito sa pinakamalakas na bagyo na dumaan sa kalupaan ng Gitnang bahagi ng Visayas noong Nobyembre 14, 1990.

Tinamaan nito ang Silangang Visayas, Gitnang Visayas, Kanlurang Visayas at Palawan.

May lakas ito na  umabot sa 185 kilometro kada oras (115 mph) hanggang 280 kilometro kada oras (175 mph).

Super Bagyong Sening (Joan)

Ito ay tumama sa Pilipinas noong Oktubre 1970

Ito ang ika sampu sa mga deadliest typhoon na dumaan sa Pilipinas bago pa ang Super Bagyong Yolanda (2013).

Super Bagyong Yolanda (Haiyan)

Ang Super Bagyong Yolanda o Haiyan ang pinakamalakas na bagyong dumaan sa kasaysayan ng Pilipinas noong Nobyembre 8, 2013,

Namuo ito sa Karagatang Pasipiko noong Nobyembre 5.

Ito na ang sumunod sa “deadliest typhoon” pagkatapos noong 1881.

Maituturing na “delubyo” na may kasamang “daluyong” ang Yolanda.

6,300 katao ang namatay sa pananalasa nito.

Pinuruhan nito ang mga bayan ng Guiuan at Lungsod ng Tacloban matapos ang pagtawid sa bayan ng Dulag, Leyte.

Nagtaas ang PAG ASA ng signal #4 sa mga lalawigan na dinaanan nito.

Super Bagyong Kading (Rita)

Tumama ang Bagyong Kading noong Oktubre 1978 sa Kabikulan.

Super Bagyong Pitang (Georgia)

Ang Super Bagyong Georgia o Pitang ay ang nagdaang na bagyo bago pa dumating ang Super Bagyong Sening (Joan)

na parehong nanalasa noong taong 1970 sa Pilipinas.

Ang mga bagyo ay nagsisimula sa mga buwan na maaga pa sa Mayo at kalimitan na nagtatapos sa mga buwan ng Disyembre.

Sa kasalukuyan lumalakas pa ang mga ito sa buwan ng Hulyo hanggang Nobyembre.

Lumalakas rin ang mga ito dahil sa Habagat na nanggaling sa mga bansang Indonesia at India.

Patuloy tayong mag-ingat at matuto sa mga bagyong naranasan na natin.