Ang pag kuha ng mga government id katulad ng drivers license, nbi clearance, o ng passaporte ay karaniwang kinannginginigan ng tuhod ng mga pilipino. Hindilang dahil masusungit ang mga government employees at parang boss kung maka asta, napakahaba din ng pila at ang pangit ng processo na kung minsan ay uubos ng isang araw – kung mamalasin ka pa nga pagdating mo sa harap sasabihing may problema sa requirements mo at kelangan mong bumalik bukas, hay nako KaPinoy kawawa naman tayo.

Kamakaylan isa sa ating KaPinoy Vibes ang nag email sa atin, Itago nalang natin siya sa pangalang Juan Dela Cruz. Si Juan ay nakatira sa Huntington Beach sa America, at dahil malapit nang mag expire ang Passaporte niya nag research siya sa google kung paano ang bagong processo ng pag rerenew ng Passaporte. Laking tuwa nya ng malaman niyang puwede palang mag pa schedule online ng passport renewal kaya naman inischedule agad nya yung pinaka maagang schedule na available which is March 20, 2021 at 9:06 ng umaga.

Kinagabihan bago ang kanyang appointment inihanda na ni Juan lahat ng requirements sa pag rerenew ng passaporte. Gumising siya ng maaga at nagpunta sa Embahada ng Pilipinas sa Wilshire Boulevard sa Los Angeles California. Pagdating niya sa Embahada mayroon agad tao sa baba na bumati sa kanya and binigyan siya ng instruction upang pumunta sa dulo ng linya at maghintay na matawag ang pangalan niya, hindi siya naghintay ng matagal at tinawag na ang pangalan niya at inalalayan sila ng isang security personnel papunta sa 5th floor.

Source: https://youtu.be/2kBuqHoFWHA

Pagakyat nila sa 5th floor kung saan ang Office ng Embahada ng Pilipinas, natuwa siya na napaka organize nila ngayon. At dahil sa covid19 bago maka pasok ay mayroon munang temperature check tapos bibigyan ka ng number, pagka abot sayo ng number mo hihintayin mo lang ang pangalan mo na tawagin sa PA system nila. Ayon kay Juan “Hindi ako makapaniwala sa ganda ng service sa Philippine Embassy mula sa pila sa ibaba hangang matapos ang buong processo it only took 29 minutes.” Akalain ninyo yon mga KaPinoy Vibes 29 minutes mula sa pila hangang matapos ang buong processo, approve diba!!!

Iba talaga pag maganda ang leadership, nakikita natin itong nag titricle down kahin sa mga frontliners natin sa gobyerno. Kaya para sa leadership natin sa Embahada ng Pilipinas 5 stars po kayo sa amin at kay KaPinoy Vibes na Juan.

Kayo mga KaPinoy Vibes maganda ba ang experience ninyo sa pag rerenew ng passport? Ano pa sa palagay ninyo ang pwede nilang e improve sa kanilang service? Kung bang pangit ang service mag rereklamo ba kayo? Sabi nga ni Duterte tayo daw na mga Pinoy “You need to be assertive”, at the end of the day Public Servants sila, Ibibigay natin yung respeto at pag galang na deserve ng lahat ng tao – Hindi sila Boss, hindi sila Sir or Ma’am. Ikaw ang Boss KaPinoy Vibes – kayo ang Sir at Ma’am. Ano masasabi ninyo patungkol dito, wag po kayong mahihiyang mag comment sa comment section. At kung nagustuhan ninyo an aming video paki like follow and subscribe na rin po, idamay na rin ang family at kaibigan at esahre sa kanila ang amint content. 

KaPinoy Mabuhay Ka! Maraming Salamat Po!

Paano Mag Renew ng Passport sa Embahada ng Pilipinas sa Los Angeles

Step 1: Mag Set ng appointment sa website ng Philippine Consulate General
Step 2: Sa Araw ng appointment siguraduhing nasa pila kana 5 minutes bago ang appointment mo
Step 3. Hintaying matawag ang pangalan mo at dadalhin na kayo sa 5th floor
Step 4: Registration – Magregister sa clerk at magpa temperature scan
Step 5: Requirements -Maghintay na matawag ang pangalan mo para e present ang mga requirements
Step 6: Forms – Fillup mo yung form na ibinigay sayo sa step 5
Step 7: Payment – Bayaran ang processing fee, Cash only mga KaPinoy Vibes maghanda ng $75
Step 8: Picture & Finger Print – Maghintay ulit para matawag for Photo and Fingerprint Scan
Step 9: Window 14 Certification – Vavalidate nila lahat ng information mo
Step 10: 29 after tapos na! Just wait for six weeks at ipapadala nila ang iyong passport via mail.