Sa lugar gaya ng Maynila, pagkatapos itapon ng mga restaurant ang mga tirang pagkain, Inaabangan na ito ng ilang mga kababayan natin. Tingin nila, isa itong biyaya. Tinatawag nila itong Pagpag.

Isa Ka ba sa Mahilig magsayang ng pagkain? Yung tipong kumain ka sa labas at dahil hindi mo ito nagustuhan o ikaw ay busog na, hindi mo na ito uubusin at itatapon na lamang sa basurahan. Gaya na lamang sa mga Fast food chain o restaurant.

Iiwan ng customer ang kanilang sobrang pagkain sa mesa. Ano ang ginagawa sa mga pagkaing hindi inubos ng customers sa fast food restaurants? Tinatapon na lang ba agad?

Sa lugar gaya ng Maynila, pagkatapos itapon ng mga restaurant ang mga tirang pagkain, Inaabangan na ito ng ilang mga kababayan natin. Tingin nila, isa itong biyaya. Tinatawag nila itong Pagpag

makikita ang mga larawan ng pagpag

Ito ang tawag sa mga pagkaing tira sa mga fast food restaurants at muling niluto para kainin muli. Ang mga gumagawa nito ay mga Pilipinong salat sa buhay.

Sa 2020 Global Hunger Index, rank 69 ang Pilipinas sa 107 na bansa. Mayroong 20.1 Global Hunger Index score ang bansa. Ibig sabihin nito ang ating bansa ay nakakaranas ng malubhang lebel ng gutom

2 sa bawat 10 batang Pilipino, na may edad, 0 hanggang limang taong gulang ang  UNDERWEIGHT o kulang sa timbang. (FNRI, 2018) Mahigit kumulang 5.2 milyong Pilipinong pamilya ang nakakaranas ng gutom o pagtitiis sa gutom dahil sa wala ng makain ayon s SWS, July 2020.

Para sa mahihirap ang pagpag ang kanilang comfort food para sa kumakalam na sikmura. Hinuhugasan o binabanlawan nila ang mga tirang pagkain sa malinis na tubig. Ipapagpag ito at pakukuluin. Pagkatapos pakuluin, lalagyan ito ng harina at saka piprituhin. Ginagawa ring negosyo ng ibang tao ang pagbebenta ng PAgpag. Binebenta nila ito ng 20 peso hanggang 30 peso per bag.

Mapanganib ang pagkain ng pagpag. Nagbabala ang National Anti-Poverty Commision laban sa pagkain nito. Maaaring magkasakit na Hepatitis A, Typhoid, Diarrhea, at Cholera ang kumakain ng pagpag.

Para sa kumakalam na sikmura, hindi ito panganib. Sa mga pamilyang nagugutom, hindi basura ang pagpag. Ano ang magagawa ng gobyerno para masolusyunan ang gutom sa Pilipinas? Kung ipinagbabawal ang ganitong gawain, saan pa hahanap ng makakain ang mga nagugutom nating kababayan?

Ano ang masasabi niyo dito mga ka Pinoy Vibes?  Para sa iyong reaksyon, mag comment at mag like sa aming official Pinoy Vibes Facebook page.