Isa ang Pilipinas sa may pinakamaraming pagpipilian na street food. Ang mga pagkaing kalye na ito ng mga Pilipino ay sikat na sikat saan mang sulok ng bansa. Bawat probinsya ay may mga pinagmamalaking pagkaing kalye at narito ang ilan sa  sa mga kilalang pagkain na mura na ay masarap pang kainin.

Ibat ibang klase ng pagkaing kalye

Kwek-kwek o Tokneneng

Ang kwek-kwek ay itlog ng pugo at ang tokneneng naman ay itlog ng manok o bibe na nilagyan ng coat na kulay kahel gaya ng pagluto sa tempura, at isinasawsaw ito sa matamis na toyo o sukang maanghang.

Fish ball at Kikiam

Ito ay isinasalang sa mainit na mantika at niluluto sa harap ng mamimili, sila na din ang tumutusok nito ay isinasawsaw sa iba’t ibang garapon na may sawsawan. Kasama rin sa niluluto dito ang hiniwa-hiwa na hotdogs, squid at chicken balls.

Ihaw-ihaw

Maraming klase ang mga inihaw na ito gaya ng isaw ng manok, isaw ng baboy, barbeque, tenga, ulo at paa ng manok, dugo, atay at marami pang klase.

pagkaing kalye

Balut

Hindi makukumpleto ang listahan ng mga pagkaing kalye na ito kung wala ang balut. Ito ay pinakuluang fertilized egg embryo na kinakain mula sa shell nito. Kilala sa industriya ng pagbabalut ang lugar ng Pateros na may malaking produksyon ng itik.

Banana que at Turon

Ito ay saging na saba na prinito sa caramelized na margarin at asukal. Ang turon naman ay saging na sab ana binalot sa puting wrapper na kung minsan ay pinagugulong sa caramelized na asukal at ang iba ay nilalagyan pa ito ng langka o ube.

Fried Offal

Ito ay kasing sarap ng inihaw na isaw ang iba ay mas gusto ang isaw na prinito. Ito ay bituka ng manok na prinito. Masarap din na kasama nito ang chicharron bulaklak at fried chicken crop o ‘butcheron’ na isinawsaw sa suka na may sili at pipino.

pagkaing kalye

Mais

Dalawang klase na luto ang kilala ito, maaring nilaga o inihaw. Ang nilaga naman nito ay nilalagyan ng margarin at asin upang lalong sumarap.

Marami pang klase ng pagkain ang makikita isang kalye na puno ng usok at aroma. Patok na patok ito sa marami dahil sa abot kayang halaga at simple ngunit masarap na lasa. Lumibot ka lang at makikita mo ang tiyak na makakakuha ng iyong panlasa.