Pagdating sa pagkaing Pilipino kilala ito sa samut-saring klase ng pagkain tulad na lamang ng Exotic foods na matatagpuan sa bawat parte ng Pilipinas. Sa bawat probinsya o isla na iyong pupuntahan ay tiyak na may ipagmamalaki ang mga lokal ng lalawig

Ibat ibang klase ng Exotic food

Balut

Ang kauna-unahan sa listahan. Ito ang pinakasikat streetfood sa mga Pinoy at pati na rin sa ibang mga lahi na bumibisita sa Pilipinas. Ang balut ay nagdedevelop pa lang na embryo ng bibe na nilaga at kinakain sa shell. Kadalasan ito’y kinakain kasama ang asin at suka. Karamihan sa mga Pinoy na kalalakihan ay kinakain ito dahil sa paniniwalang ito ay ‘aphrodisiac’ na kung saan ay napapataas raw umano ito ng libido.

soup No. 5

Ang Soup no.5 ay ay mula sa ‘ari’ ng baka, na hinahain kadalasan para sa mga lalaki upang mas maging ‘potent’.

Tamilok

Ito ay uri ng bulate na makikita at sikat sa mga nabubulok na bakawan ng isla ng Palawan, ito ay halos katulad ng lasa ng talaba ngunit hindi kaaya-ayang tignan.

Fried Rats

Hindi lahat ng daga ay may dala-dalang sakit at marumi, ito ay kadalasang makikita sa mga palayan ng lalawigan ng Pampanga. Ngunit hindi katulad ng Kamaru ay madalas na mga local lang ang kumakain nito at hindi makikita sa mga restaurant.

Uok

Kilala ito sa probinsya ng Rizal at makikita sa nabubulok na mga kahoy at madalas na nakokolekta ito sap uno ng buko. Ito ay pritong insekto na malutong sa labas at chewy sa loob na kung minsan ay inaadobo at inihaw.

Salagubang

Kung nagustuhan ninyo ang Uok ay tiyak na magugustuhan niyo rin ito. Kilala ang salagubang sa gitnang bahagi ng Luzon sa Probinsya ng Nueva Ecija. Gaya ng Uok at Kamaru ay malutong ito ngunit a chewy na kapag nginuya.

Kamaru

Ang Kamaru ay maliliit na kuliglig na madalas makita sa mga palayan. Ito ay mayroong protina at Vitamin B.

Kaya kung hindi ka sanay ay tunay ngang iikot ang iyong sikmura kapag natikman mo ang ilan sa mga masasarap na Exotic food na ito.