Naganap ang limang magkakasunod na phreatomagmatic eruption sa Taal Volcano mula noong Huwebes, Hulyo 8, 2021 hanggang Biyernes, Hulyo 9, 2021. Ang unang pagsabog ay naganap alas-6:47 ng umaga at nagbuga ng kulay-abong usok na may  200 metro taas, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Tatlo pa ang sumunod na mga pagsabog nung 6:06 pm, 9:21 pm, at 9:50 ng gabi.

At ang huli noong 2:59 ng Umaga ng Hulyo 9.

‘It has a series of five small explosions, 58 volcanic earthquakes and high emission of sulfur dioxide measured at 6, 095 tons per day in the past 24 hours,’ Ayon kay Renato Solidum Jr, ang chief of the Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ano ba ang Phreatomagmatic Eruption?

Ito ang pagsabog ng bulkan na ang inilalabas ay pinaghalong Magma at tubig.

Dahil dito, itinaas sa Alert Level 3 ang Taal Volcano mula pa Hulyo 1.

58 na lindol ang naitala sa nakalipas na 24 oras ng Hulyo 8,

Kasama rito ang 5 explosion-type na mga lindol, 24 low-frequency volcanic earthquakes, 27 volcanic tremor events na tumatagal ng 1-6 na minuto, at 2 hybrid earthquakes.

Nagbuga rin ng Sulfur dioxide ang bulkan at naitala na 6,095 tonelada kada araw ang inilalabas nito

Naglalabas  rin ang bulkan ng Steam-rich plumes na may taas na 1,200 metro, mula sa bunganga ng bulkan.

Nananatili ang bulkang Taal sa ilalim ng Alert Level 3. 

Binalaan ng Phivolcs na posible ang malaking pagsabog hangga’t nasa ilalim ng ganitong sitwasyon ang bulkan.

Pinag-iingat ang lahat ng mga residente ng Batangas dahil mayroong mga pyroclastic density, mga nakakalason na gas, abo, at iba pa ang maaaring ilabas ng bulkan.

Naglabas na ng patalastas ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa Calabarzon tungkol sa kalidad ng tubig sa Taal Lake.

Delikado ang tubig para sa mga isda dahil sa tumataas na lebel ng ammonia at sulfide sa tubig.

Posible rin ang isang tsunami na bulkan dahil ang Taal Volcano ay matatagpuan sa loob ng Taal Lake.

Ang Taal Volcano Island, Taal Lake, ang mga barangay ng Bilibinwang at Banyaga sa bayan ng Agoncillo, at ang mga barangay ng Buso-buso, Gulod, at Bugaan East sa bayan ng Laurel ay nananatiling mga lugar na maraming peligro.

Samantala, lumikas na ang ilang mga residente sa kanilang mga tahanan ngunit nanatili sa labas ng mga itinalagang evacuation center.

Ilan sa kanila ay nagpupumilit na makakuha ng pagkain at iba pang mga kailangan nitong nagdaang mga araw sa labas.

Marami na ring nag-abot ng tulong sa mga residente ng Batangas mula pa nang magsimula ang aktibidad ng bulkan noong ika-1 ng Hunyo.