Tuwing buwan ng Mayo, ipinagdiriwang ng buong mundo ang Mother’s Day o araw ng mga ina. Alam mo ba ang Mother’s day history?

Ang Mother’s Day History sa mga Ancient Greeks

Unang nagbigay pugay sa ina ang mga Ancient greeks at ipinagdiriwang nila ito tuwing “Spring festival” bilang pagpapangaral sa Greek goddess na si “Rhea” na “Mother of all Greek Gods.” Ipinagdiriwang din ito ng mga British at ito ay tinatawag nilang ‘Mothering Sunday.’ Sa araw na ito, pinapayagan nilang maglakbay pauwi ang kanilang mga lingkod upang magpalipas ng araw kasama ang kanilang mga ina. Ipinagdiriwang nila ito tuwing ikaapat na linggo, bago ang linggo ng pagkabuhay. 

Ang Founder na si Anna Jarvis 

Britannica

Ngunit ang pinagmulan ng “Araw ng mga Ina”ay nilikha ng isang babae na nagngangalang “Anna Jarvis.” Hinahangaan ni Jarvis ang kanyang ina. Inalagaan nito ang mga sugatang sundalo noong digmaang sibil, sa bansang Amerika.  Isang aktibista rin ang kanyang ina.

Noon pa man ay ipinagdarasal na niya na sana ay magkaroon ng espesyal na araw ang mga ina dahil sa lahat ng kanilang mabubuting ginagawa. Hanggang sa tumanda na si Anna, patuloy pa rin ang paghahangad niya sa nasabing espesyal na araw. Sinimulan niya ang kampanya para magkaroon ng opisyal na holiday para parangalan ang mga ina noong taong 1905. Sa taong rin ito namatay ang kanyang ina. Dito na isinilang ang pagpaplano niya na isulong ang magkaroon ng espesyal na araw para sa mga ina.

Sa pangalawang anibersaryo ng kamatayan ng kanyang ina noong 1907, idinaos ang isang seremonya sa simbahan para sa pag-alaala sa lahat ng mabuting ginawa ng kanyang ina. Nagbigay alaala ulit si Anna sa kanyang ina ng sumunod pang taon. 

Noong 1908 ang pinakaunang malaking selebrasyon ng araw na ito, nang gumawa siya ng pagtitipon para alalahanin ang kanyang ina sa kanyang bayan – sa Grafton, West Virginia.

Itinaguyod rin niya sa taong ito ang pagbibigay ng puting carnation na bulaklak bilang pagbibigay pugay sa mga ina. 

Dito din nabuo ang kaugaliang pagsusuot ng pulang carnation, na kumakatawan sa isang buhay ng ina at ang puti naman para sa isang inang namatay na. 

Nakipag-ugnayan din si Jarvis kay John Wanamaker, isa sa mga “Philidofia Philanthropies,” na sumali sa kanyang layunin. 

Britannica

Ipinagpatuloy ni Jarvis ang kanyang kampanya na magkaroon ng opisyal na araw ng mga ina sa mga sumunod pang mga taon. Hanggang sa parami ng parami ang mga lugar na nagdiriwang ng araw na ito. At noong 1914, ito na nga ay naging opisyal. Nilagdaan ni President Woodrow Wilson ang proklamasyon na ang araw ng mga ina ay isa na ngang holiday at gaganaping tuwing ikalawang linggo ng buwan ng Mayo.

Simula Noon ay pumupunta ang mga tao sa simbahan para ipagdiwang ang okasyon na ito. Naging kaugalian na rin ng mga anak ang magbigay  ng matatamis na sulat para sa kanilang mga ina. Sa bawat taon na lumilipas ay maraming carnation ang nabebenta. Naging patok rin ang mga kumpanya na gumagawa ng iba’t ibang klase ng mga sulat. Para kay Anna, dapat ang liham ay sulat kamay at hindi ang pagbili lamang ng mga liham basta. Ikinalulungkot ni Anna ang nangyari. Naging negosyo na lamang para sa nakararami ang Mother’s Day. 

Taong 1924, nag petisyon si Anna wakasan na ito. Siya’y hinuli din sa kadahilanang panggugulo sa isang kaganapan kaugnay sa paggunita sa espesyal na araw ng mga ina. Ginugol ni Anna at ng kanyang pamilya ang paglaban sa holiday na ito at namatay siya noong 1948 sa edad na 94. 

Hanggang ngayon, ipinagdiriwang ang mother’s day sa buong mundo. Milyon-milyong mga ina ang tumatanggap ng labis na pansin, pagmamahal, yakap at halik sa kanilang mga mahal sa buhay lalo na sa kanilang mga anak sa araw na ito. Lagi nating alalahanin ang sakripisyo at pagmamahal na ginagawa ng ating mga ina para sa ikabubuti natin kaya lalo natin silang mahalin at bigyang respeto.