Isang sinaunang monasterio ng kristiyano sa Ehipto ang natuklasan ng mga arkeologo. Mayroon itong 3 simbahan sa loob, mga silid para sa mga monghe at mga graffiti mula sa Bibliya na nagsimula noong 1,500 na taon.

Ayon sa grupo, ang kanilang natagpuan sa Tal Ganoub Qasr al-Agouz site sa Western Desert na Bahariya Oasis ay nagbigay liwanag sa mala relihiyosong pamumuhay sa lugar noong ikalimang siglo AD.

Ang kanilang nahukay na gusali ay gawa sa bato, ang iba ay inukit sa bedrock o malalaking bato at mga brick na gawa sa putik, ayon sa ministro ng ehipto.

Binubuo ng anim na sektor ang monasterio, mayroon itong silid ng mga monghe na ang mga dingding ay may nakasulat na graffiti at simbolo ng “konotasyong Coptic” o ehipto.

EHIPTO
Photo Credit: Dailymail

Sinabi ng head ng French-Norwegian archaeological na sa ikatlong paghuhukay nila noong nakaraang taon, ay natuklasan nila ang 19 na mga istraktura at isang simbahan na nakaukit sa bato.

Ang paligid naman ng simbahan ay may mga palamuti na may sulat panrelihiyon na mula sa mga talata sa Bibliyang Griyego, ito ay nagpapakita ng relihiyosong pamumuhay nila noon.

Ang pag katuklas ay makakatulong sa mga eksperto na maunawaan ang “pagpapaunlad ng mga gusali at pagbuo ng mga sinaunang monastic communities sa lugar na iyon ng Ehipto.

EHIPTO
Photo Credit: Dailymail

Ang turismo sa Cairo ay humina sa mga nagdaang taon mula noong 2011 hanggang ngayon na mayroong pandemya, inaasahan nilang ang mga bagong tuklas ay mag uudyok muli sa mga turista na bumisita sa rehiyon.

Bukod dito ay napakarami pang natuklasan ng mga archeologist sa Ehipto noong nakaraang buwan, gaya na lamang ng malaking pagawaan ng serbesa na tinatayang 5,000 taon na ang tanda at mga mummies na may 2,000 taong gulang ang tanda na mayroong dalang gintong amulet o anting anting.