Pebrero 1, 2021 nang patalsikin ng mga militar sa pamamagitan ng isang coup d’etat ang democratic government sa bansang Myanmar at ikulong ang mga lider, kabilang na si State Counsellor Aung San Suu Kyi. Ang dahilan hindi matanggap ng military ang resulta ng eleksyon noong November 2020. Ayon sa mga army, nandaya raw ang partidong National League for Democracy.

Ito ay nagresulta sa pagputol sa mga Internet, TV at iba pang communication lines. Ipinatigil rin ang mga flight papunta at paalis ng Myanmar. At ideneklara ang isang taon ng State of Emergency.

Sa kasalukuyan, makalipas ang mahigit dalawang buwan ay ang target naman ngayon ng mga military ay mga popular celebrities sa Myanmar. Kinuha at kinulong si Paing Takhon na may malaking bilang ng followers online  matapos na magkomento ito kontra sa mga militar.

Narito ang isa sa post ni Paing Takhon na naka-take down na ngayon.

“Help us stop crime against humanity,”

Nagpaskil ang military ng 100 na larawan ng mga kilalang tao na huhulihin ng mga military, kung kaya’t ang ibang ito ay nagtatago na. Ayon, sa Assistance Association of Political Prisoners sa Burma ay 2,750 katao mula sa mga Politiko, doctor, actor at mga Social Media Influencers ang nakakulong ngayon.

Narito ang isang post ng Doktor na si Dino Patti Djalal, chairman ng Foreign Policy Community of Indonesia. “We have a voice, we are the voice of the conscience of the people, of the region. That’s a powerful thing. Let’s begin with that.”

Dahil sa kabi-kabilang protesta ng mga mamamayan ng Myanmar at marahas na ginagawa ng mga military ay aabot na sa 600 ang namatay sa naturang coup d’etat at kabilang dito ang pagkamatay ng mahigit 50 na kabataan.

Ayon sa isang expert, ay maaring umabot ng mahigit isang taon pa ang State of emergency ng Myanmar dahil na rin sa coronavirus pandemic. Sa pagtake over ng military ay mahihirapan at matatagalan pa ito para ma-stabilize ang bansang Myanmar.