Kilala ang Pilipinas sa iba’t-ibang klase ng pagkain. At ang galing at pagkamalikhain ng mga Pinoy sa pagluluto mula sa lutong bahay, halo-halo, mga lutong kalye (street foods) at lalo na pagdating sa mga panghimagas tulad ng kakanin.

Bawat lalawigan ay may mga pinagmamalaking kakanin na mula pa sa kanilang ninuno ang mga sangkap at kung paano ito masusing niluluto. Ito ay karaniwang sinasangkapan ng gata ng niyog, mais, kamoteng kahoy, kaning malagkit at iba pa.

Kakanin ng pinas!

Narito ang ilan sa maraming kakanin na kayang ihanda ng Pinoy sa ating mga hapagkainan, handaan at higit sa lahat ay ang nakagawiang meryenda.

 KAKANIN

Suman

Isa ito sa kilalang kakanin na gawa sa malagkit na bigas, asukal, at gata ng niyog na maayos na binalot sa dahoon ng saging. Maaari itong kainin ng siya lang mismo o samahan ng hinog na manga na tiyak na masarap pagsamahin.

Bibingka

Ito pinaghalong sangkap ng pinong bigas na malagkit, gata ng niyog, itlog, asukal at evaporated na gatas na nilagyan sa ibabaw ng keso, itlog na pula at niyog.

Puto

Pagdating naman sa paggawa ng puto, kilala ang Calasiao, Marikina at goldilocks. Ito ay kakaning gawa sa pinong bigas na hinaluan ng gata ng Niyog at asukal na pinasingawan sa kumukulong tubig ng halos isang oras at nilagyan sa ibabaw ng keso o itlog na pula.

Kutsinta

Kutsinta ang isa sa pinaka madaling iprepara na kakanin, ito ay kadalasang kasama ng puto at suman. Ito ay gawa sa harina, asukal, annatto powder at lye water. Mas pinasarap pa ito kapag nilagyan ng yema at niyog sa ibabaw.

 KAKANIN

Cassava Cake

Isa ito sa pinakamabusising gawin dahil sa isa isa mong babalatan ang cassava at dudurugin ito. At saka ilalagay ang iba pang rekado tulad ng itlog, gatas at asukal. Ang dedikasyon sa pagluto nito ang siguradong magpapasarap rito. Kaya kung ikaw ay mahilig sa cassava, ito ay para sayo.

Sapin-sapin

Sapin-sapin naman ang pinakamakulay na kakanin dahil sa tatlong iba’t ibang kulay nito na magkakapatong. Ang pinakababa ay tinimplahan ng langka, ang gitna naman nito ay plain lang at ang pinakataas naman ay tinimplahan ng ube. At tunay ngang malinamnam ito kapag pinagsamasama.

Biko

Gaya ng sapin-sapin ay madalas din makita ang biko sa mga bilao at nilalako ito. Malaking hirap din ang inaabot sa paggawa ng biko dahil sa walang tigil sa paghalo nito hanggat makuha ang tamang kunat at sarap nito. Mas pinalinamnam pa ito kapag hinahaluan ng langka at nilalagyan sa ibabaw ng latik.

 Ilan lamang ito sa pinagmamalaking kakanin na tatak Pinoy. Tunay ngang hindi maikakaila ang napakaganda at sarap na kulturang Pinoy pagdating sa pagkain lalo na ang kakanin.