Napakaraming tao ngayon ang nahuhumaling sa pag aalaga ng mga indoor at outdoor plants. Bukod sa benepisyong makukuha sa mga ito gaya ng pag linis ng hangin ay napakaganda ring tignan nito sa bahay o opisina man.

Kaya naman, pati na ang mga celebrity ay hindi nag pahuli sa mga nag gagandahang halaman. Mayroong mura at mayroong din namang napakamahal. Ang iba pa nga sa mga ito, ay hindi basta basta mabibili o makukuha. Halinat alamin natin kung sino sinong celebrities ang nahuhumaling na maging PLANTITA.

 Ang mga Plantita ng pinas

 

 

Jinkee Pacqiuao, walang duda na isang certified plantita itong si Madam Jinkee. Matapos magpost sa kaniyang instagram account ng kanyang mga  larawan kasama ang variegated Alocasia Elephant Ear, ay tinawag siya ng neztiten na “Plantita of the year” noong nakaraang taon. Makikita ang kaniyang halaman naka display sa sala, hagdan at iba pang bahagi ng bahay.

PlantitaPhoto Credit: Jinkee Pacquiao’s Instagram

Neri Miranda, hindi lamang magaling na business woman itong asawa ng lead singer ng parokya ni edgar band nasi Chito Miranda. Isa rin syang mahusay na plantita, katunayan hindi lamang mga pang display na halaman ang kaya niyang alagaan, meron din syang mga halaman na maaring kainin gaya ng gulay. Marami talaga ang humahanga kay Ms. Neri, magaling na sa pag nenegosyo isa pang certified plantita. 

PlantitaPhoto Credit: Neri Miranda’s Instagram

Hindi naman papahuli  magandang news anchor na si Gretchen Fulido sa pagiging plantita. Noong nakaraang taon, ay marami ang namangha sa kaniyang mga halaman na naipost niya sa kanyang social media account. Marami rin ang nagreact ng ipost nya ang larawan ng Alocasia na may pangalang Cher, na karaniwang tumutubo lamang sa mga probinsya. Ayon sa mga netizen, sinisisi siya ng iba sa walang habas na pangunguha ng ganitong halaman.

PlantitaPhoto Credit: Gretchen Fulido’s Instagram

Ang iba pang halaman na kaniyang inaalagaan ay mga monstera, begonia at caladium. Aniya, mabuting alamin muna ng isang plantita, kung endangered ang kanyang bibilhin halaman upang  makasigurong hindi makakasira  ng kalikasan

Aubrey Miles, sa mga hindi nakakaalam bago pa man sumikat ng husto ang salitang plantita ay matagal na itong katangian ng maganda at sexy actress nasi Aubrey Miles. Katunayan, mahigit sampung taon na siyang nag-aalaga ng mga ito, at hindi plantita ang tawag niya sa kaniyang sarili kundi PLANT MOTHER.

Photo Credit: Aubrey Miles Instagram

May payo naman siya sa mga gustong magsimula sa pagaalaga ng halaman, aniya huwag agad bumili ng napakarami at mahal, ang 3-4 na halaman ay sapat na. Siguraduhin ang sarili na maalagaan ng mahusay ang mga ito.

Pang huli si Cheska Garcia Kramer, tulad ni Neri Miranda, isa sa pinagkakalibangan ng magandang aktres na si Cheska ay ang pagtatanim sa kanilang bakuran ng mga gulay. Minsan ng naipost ni Cheska ang kaniyang mga larawan kasama ang mga anak sa pagtatanim at paghaharvest ng kanilang pananim.

 Photo Credit: Cheka Kramer’s Instagram