Sa panahon ngayon halos lahat na yata ng kabataan ang nahuhumaling sa mga KPOP Drama at KPOP Group. Tulad na lamang ng Girl Kpop Group na BLANK PINK at Boy Kpop Group na BTS at marami pang iba.

Bago pa man sumikat ang mga korean group at series na ito sa Pilipinas, mayroong isang sikat na sikat na serye at Boy Group na talaga namang kinahumalingan ng mga batang 90’s. Naku Certified Tita at tito kana kung kilala mo ang serye at ang grupong ito. Walang iba kundi ang seryeng METEOR GARDEN pinagbibidahan ito ng Boy Group ng taiwanese na F4 at isang bidang babae na si Shan Cai, Barbie Hsu sa tunay na buhay. Kung batang 90’s ka naku tiyak na kilalang kilala mo ito at pamilyar na pamilyar ka dito.

Ang F4 At Seryeng Meteor Garden Ay nagmula sa Bansang Taiwan. Nagkaroon rin ito ng iba’t ibang bersyon tulad ng sa bansang Korea at Japan.

Gaya ng KPOP DRAMA ngayon naging patok na patok din sa mga batang 90’s Ang seryeng Meteor Garden. Narito ang feeling na halos Gustong-gusto mo ng makauwi sa inyong bahay para lamang hindi ka mahuli sa panonood mo nito sa inyong telebisyon. Ngunit Pagkatapos ng Seryeng ito, Ano na nga ba ang nangyari sa mga naging Cast nito. Atin silang kumustahin at alamin kung ano ng ganap sa kanilang buhay matapos ang pagbibida nila sa Seryeng Meteor Garden.

Si Ken Chu o mas kilala Bilang XI MEN.

Si Ken Chui ay nagtatrabaho bilang isang Waiter sa taiwan bago siya na discover bilang maging bahagi ng F4 at gumanap sa Meteor Garden bilang artista. Nagsimula ang pag usbong ng kanyang Career noong 2001 noong maging parte siya bilang isa sa member ng F4.

Nagbida din siya sa film na SKY OF LOVE noong 2003. Nag Release din siya ng solo album na may title na “ON KEN’S TIME” noong 2005. Isa ring chef si Ken. Nagrelease siya ng cookbook noong 2006. NAgkaroon din si ken chu ng movie sa Pilipinas na pinamagatang “BATANES (SA DULO NG WALANG HANGGAN)” kasama ang actress na si IZA CALZADO noong taong 2007.

Taong 2016 ikinasal siya sa Co-Star na si HAN WEN WEN. Sa ngayon wala pa rin silang anak dahil ayon sa balita natatakot ito na mamana ng kanyang magiging anak ang kanyang sakit na FIBROMYALGIA. Isa itong Disease na kung saan ang taong meron nito ay makakaranas ng sakit sa Muscles ligament at mga buto.Omega-3 fatty
Sa ngayon nagpapagaling ito at mayroon siyang masayang buhay kapiling ang kanyang napakagandang asawa na si Wen Wen at active pa rin siya sa kanyang Social Media Account.

VANNESS WU o kilala bilang Mei Zuo ng grupong F4

Ngayon kilala si Vanness bilang isang TAiwanese-American actor, Entertainer, Singer, Director and Producer. Nagtrabaho muna si Vanness Wu bilang teller marketer bago lumipat sa taiwan at tinahak ang pag aartista dito.

Taong 2001 napabilang nga si Vanness Wu bilang isa sa Cast ng Meteor Garden At maging F4 Member. 2002 nag release siya ng Debut Solo Album na pinamagatang “BODY WILL SING”.
Noong 2003 nasama naman siya sa Single ng international Star na si BEYONCE Sa kantang CRAZY IN LOVE.

Pinasok din niya ang pagiging executive producer noong taong 2010.
Isa din Siya sa naging Judge ng ASIA’S GOT TALENT noong 2015.
Nagpakasal si Vanness Wu sa Kanyang long time Girlfriend noong taong 2013. Ngunit noong 2018 naghiwalay ang mag asawa at tinuldukan na nga ang kanilang Relation.
Patuloy Parin namamayagpag si Vanness sa kanyang Career magpasa hanggang ngayon.

VIC CHOU
Naku tiyak na kung batang 90’s ka isa ka din sa na inlove sa kanya dahil sa pag ganap niya bilang Hua Ze Lei ng F4 at Meteor Garden. Naging ka love triangle nya nga dito ang love team ni Dao Ming Si at Shan Cai.

Nadiskubre siya noong sinamahan ng Isang director ng sinamahan niya nag kanyang kaibigan na mag audition bilang parte ng Meteor Garden, ngunit imbis na ang kanyang kaibigan ang mapili siya ang napansin at nakuha nya nga ang isa sa main cast ng Meteor garden at naging member ng F4, doon na nga nagsimula ang karera nya sa pag aartista.
Nagkaroon din siya ng ibang palabas gaya ng “POOR PRINCE” at iba’t-ibang mga endorsement.

Siya din ang kauna-unahang nagkaroon ng debut album bilang solo artist sa F4.
Siya ay happily married na ngayon, ikinasal siya sa kanyang kasintahan noong 2015 at mayroon na rin silang isang anak na babae. Hanggang ngayon umaarangkada pa rin ang kanyang Career sa pag aartista.

JERRY YAN O mas kilala sa tawag na DAO MING SI.

Si Jerry Yan ang naging Leader ng F4. Siya ang naging Ka LOve Team ni Shan Cai sa Serye ng Meteor Garden. Marami din ang nahumaling sa kanya sa pag ganap na Dao Ming Si Sa Meteor Garden.

Nagsimula Si Jerry Yan bilang isang model noong 2000 matapos siyang magwagi sa isang modeling competition. At taong 2001 nga nakuha niya ang lead role sa Meteor Garden at naging Leader ng F4 Boy Group ng Taiwan. Dahil dito umusbong lalo ang kanyang Career at sumikat hindi lamang sa bansang Taiwan Kundi sa Buong Asya. Taong 2004 nag release siya ng Kanyang Solo Debut Album na may title na “JERRY FOR YOU”. Nagawaran siya ng Parangal bilang TOP 10 SELLING MANDARIN ALBUM OF THE YEAR noong panahong iyon.

Nagpatuloy ang kanyang magandang career bilang pag ganap sa iba’t-ibang serye sa larangan ng showbiz. Ayon sa Aming Pananaliksik magpasa hanggang ngayon siya ay Single.

BARBIE HSU o mas kilala bilang SHAN CAI ng Meteor Garden

Taong 1994 hanggang 2001 nagsimula ang kanyang career dahil naging miyembro siya ng Pop Duo ng ASOS, Kasama niya dito ang kanyang pinaka batang kapatid na si DEE.
Taong 2001 nagkaroon nga siya ng Big Break sa kanyang career sa PAg aartista, Nakuha lang naman niya nag MAin Role bilang Shan Cai Sa Seryeng Meteor Garden.
Siya lang naman din ang naging Bidang Babae sa seryeng ito na pinag aagawan nina Dao Ming Si at Hua Ze Lei.(Haba ng Hair Diba?)

Nagpahinga sa Pag aartista si BArbie matapos siyang ikasal noong Taong 2010.
Pero active pa rin siya sa kanyang ibang trabaho tulad ng modeling at Hosting. Mayroon na din siyang isang dalawang anak. Isang babae at isang lalaki.
Taong 2020 Nagkaroon siya ng bagong serye na God War Of mArs KAsama niya dito ang Kanyang naging Co-Star sa Meteor Garden na Si Vic Chou.

Naging usap-usapan nga nitong nakaraang buwan sa tabloid ang biglaang pag anunsyo niya sa madla na nakikipag divorce na siya sa kanyang asawa na si Wang Xiaofei. Matapos ang 10 Years nilang pagsasama bilang mag Asawa. Sa ngayon Bussy Pa rin si Shan Cai sa Kanyang Career at patuloy na Namamayagpag ang career sa Showbiz.

Batang 90’s ka sigurado Ka Pinoy Vibes Kung muli kang kinilig sa naging Topic natin sa araw na ito, at muli kang napasigaw ng “Dao Ming Hsu” tulad ng tono ng Pag sigaw ni San Cai.

Ano ang masasabi nyo dito mga Ka Pinoy Vibes?
Para sa iyong reaksyon, mag comment at maglike sa aming official Pinoy Vibes Account.