Bill Gates and Melinda, Divorce na! Inanunsyo ng mag-asawang Bill at Melinda sa kanilang twitter accounts nitong May 4, 2021 na sila ay maghihiwalay na matapos ang 27 taon na pagsasama. Nilinaw naman nila Bill Gates at Melinda na kahit sila ay nagdiborsyo na, mananatili sila bilang co-chairs at trustees ng kanilang foundation.

REUTERS/Elizabeth Shafiroff

Inanunsyo ng mag-asawang Bill Gates at Melinda Gates nitong May 4, 2021 na sila ay maghihiwalay na matapos ang 27 taon na pagsasama. Ano na ang mangyayari sa Microsoft? Paano na ang kanilang mga foundations at charity works? Pareho nila itong ipinahayag sa kanilang twitter account.

Bill Gates Twitter Post

Co-founder ng Microsoft si Bill Gates at may net worth na $145 Bilyon. Ang Microsoft ang pinakamalaking tagagawa ng computer sa buong mundo. Si Bill rin ang pangatlo sa mga pinakamayaman na tao sa buong mundo.

REUTERS/Toru Hanai

Unang nagkakilala sina Melinda French at Bill Gates noong 1980s, nang magtrabaho si Melinda bilang product manager sa Microsoft firm na pagmamay-ari ni Bill. Nagpakasal ang dalawa noong 1994 at nagkaroon ng tatlong anak. Magkasama nilang pinamahalaan ang Bill & Melinda Gates Foundation.

Reuters/File Photo

Nagbuhos ng bilyong dolyares ang kanilang organisasyon sa mga kawanggawa at pagtulong para sa climate change, global health and development, at edukasyon. Nakapagbigay rin ito ng $1.75bn grant para sa research at bakuna ngayong  Covid-19 pandemic.

Silang dalawa- kasama si investor Warren Buffett – ang mga utak sa likod ng “Giving Pledge.” Nanghihikayat ang Giving Pledge sa mga bilyonaryo na magbigay ng kalakhang bahagi ng kanilang yaman sa mga mabubuting gawa.

REUTERS/Anindito Mukherjee

Kinilala rin ng Forbes si Melinda Gates bilang isa sa mga pinakamakapangyarihang babae sa buong mundo sa kawanggawa. Siya rin ang panglima sa Forbe’s Power Woman 2020.

Hindi malinaw ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. Sa kabilang banda, nilinaw nila na kahit sila ay nagdiborsyo na, mananatili sila bilang co-chairs at trustees ng kanilang foundation. Ngunit ang kanilang paghihiwalay ay maaaring makaapekto sa mga desisyon kung saan ilalagay ang investments ng foundation. Sinabi naman ng dalawa na walang magiging pagbabago sa pagpapatakbo ng foundation. Tungkol naman sa kanilang pamilya, bawat isa sa kanilang anak ay pamamanahan ng $10 Million. At ang ibang bahagi ng kanilang kayamanan ay mapupunta sa kawanggawa.

Si Bill Gates kasama ang kaniyang pamilya

Ayon kay Jennifer Gates, na kanilang panganay na anak, isang malaking hamon ang kinakaharap ng kanilang pamilya. Nasa proseso parin ang emosyon nya ukol dito. Nais ng mga Gates na manatiling pribado ang detalye ng kanilang diborsyo.

“We ask for space and privacy for our family as we begin to navigate this new life.” – Bill Gates and Melinda Divorce

“We ask for space and privacy for our family as we begin to navigate this new life.” – Melinda and Bill Gates

Panooorin ang aming video tungkol dito:

Pannorin ang nangyayari sa COVID-19 Outbreak sa India dito.