Nauuso ngayon ang relasyon na tinatawag na May-December romance. Ito ang relasyon kung saan ang isa sa magkarelasyon ay mas may edad. Marami rin ngayon ang mga babae na mas gusto ang mas matandang lalaki

Bakit Mas Naaakit ang mga Babae sa Mas Matandang Lalaki?

Narito ang ilan sa dahilan kung bakit ito nangyayari:

1.  Matured na sila.

Freepik

Ayon sa pag-aaral, mas madaling magmature ang mga babae kaysa sa mga lalaki. Ang mga mas batang lalaki ay nais pang sumubok ng iba’t-ibang mga bagay. “Nag-eexplore” pa sila bago pumasok sa  seryosong relasyon. Ang mga mature na lalaki ay tiyak na nalampasan na ang kanilang wild phase. Gusto na nila na lumagay sa tahimik.

2.  Alam nila kung ano ang gusto nila.

Freepik

Isang mahalagang katangian na kinokonsidera ng mga babae ay ang mga lalaki  na  stable na sa buhay. Hindi nila sinasayang ang oras ng kahit sino sa paglalaro lang ng feelings.

3.  Mas matatag ang kanilang pananalapi.

Freepik

Karamihan sa mga kababaihan ay talagang nais na maging ligtas sa pananalapi. Dahil kapag nagsimula ka ng isang pamilya, kailangan mong tiyakin na maibibigay ang suporta na kailangan niya at ang mga anak nila.

4.  Mainam silang maging partner

Freepik

Ang mature na pag-ibig ay tungkol sa pasensya, pag-aalaga, pagtitiwala, at kung minsan ay kalayaan kaysa sa anupaman. Iyon ang dahilan kung bakit pinahahalagahan ng mga kababaihan kung ang kanilang partner ay hindi isang taong nais na paikutin lamang ang mundo sa kanya. Hindi kailangan sabihin sa mga kababaihan kung ano ang dapat niyang gawin. Ang pagiging pantay ay ang bagay na talagang mahalaga.

5.  Marunong ng tamang pagtrato sa mga kababaihan 

bestlifeonline

Naiintindihan nila kung ano ang kailangan ng mga kababaihan at kung ano ang nagpapasaya sa kanila. Iginagalang sila at pinakikinggan. Alam nila kung paano maiiwasan (o kahit paano subukan na iwasan) ang  mga problema na kanilang pinagdaanan. At ginagawa nilang mas madali ang relasyon.

6.  Charismatic sila

dreamstime

Ang mga matatandang kalalakihan ay nagiging kaakit-akit sa kanilang estilo  Hindi na sila sumusunod sa mga uso sa fashion tulad na lamang ng mga college boys.

Narito ang Ilan sa mga celebrity na nasa May December romance ngayon:

philnews

Tulad na lang nila Bossing Vic at Pauleen Luna,

Rappler

Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista,

Okayy.net

Maris Racal at singer na si Rico Blanco,

Star Cinema

pati na rin ang kontrobersyal na sina Gerald Anderson at Julia Barretto

Ikaw ka-Pinoy Vibes? Nakikita mo bang kaakit-akit ang mga mas may edad na lalaki? Bakit mo sila nagustuhan?