Talaga namang ‘di mo makakalimutan kung mararanasan mo ang bumisita sa Maramo River ng San Mateo Norzagaray, Bulacan— Ang tinatawag ngayon na El Nido De Bulacan. Kung naghahanap ka kung saan ang iyong next adventure, Aba, isama mo na ito sa iyong listahan!

Klook

Nakatago sa likod ng mga bundok ng Bulacan ang paraiso na ‘to. Kailangan mo munang mag trek ng mahigit 30-40minutes at tahakin ang matatarik na daan na may 70-80 degrees hapay! Mag-ingat rin dahil kung minsan ay maputik ang lupa kapag umulan.

Matapos ang nakakapagod na trek mo, bubungad sa’yo ang paraiso ng Banahaw river o Maramo river, tiyak na mapapalitan agad ang pagod mo kapag nasilayan na ang ganda nito.

Klook

Malayo sa ingay ng siyudad at magulong social media ang lugar kaya tiyak na makakapag pahinga ka ng maayos dito. Mararamdaman mo na tila ang bagal ng oras habang ikaw ay nagpapahinga sa lilim ng malalaking puno sa campsite ng Maramo River.

Bukod sa mga water activities tulad ng boat and balsa riding o cliff diving, maaari rin kayong pumasyal sa mga kweba  na malapit sa mga ilog. Maaari rin kayong mag-camping sa mga campsites,

Klook

Magrenta ng cottages, Mag-bonfire, at magtayo ng sarili niyong tents. Siguraduhin lamang na mag-advance booking para less hassle sa pagpunta roon. May limitasyon ang pagtanggap ng turista dahil na rin sa pandemic.

Kaya ano pang hinihintay niyo, Tara na gumala na tayo sa Maramo River! Llaging isagawa ang Patakaran na Leave No Trace Policy!

Eksaktong lokasyon ng Maramo: MARAMO RIVER EL NIDO DE BULACANSapang Saging, Norzagaray, 3013 Bulacan, Philippines

Happy Memories ang iyong gawin sa lugar, wag manira ng kalikasan.

Bisitahin ang Facebook page tungkol sa Maramo River dito. Naghahanap ka ba ng perfect gadget na maaari mong dalin sa”yong travel? Tingnan mo dito.