Ka Pinoy Vibes, Naaalala mo pa ba ang LITTLE NANAY na si Mandy Sevillana na naitampok noon sa KMJS?

Onse anyos lamang ang batang babae na si Mandy Sevillana, nang matuto siyang mag-isa itaguyod ang mga kapatid. Siya din ang naglilinis at nagluluto sa bahay nila at nagtitinda sa eskwelahan.     

Mayroong din siyang tinig na napakaganda. Kung kaya’t isa sa mga naging source of income niya ay ang pagsali sa mga singing contest.

Isang Austrian ang tatay ni Mandy. Ngunit hindi na niya ito nakilala. Habang ang kanyang ina naman noon ay nakakulong. 

New Philip

Dahil sa pag tampok sa kanyang kwento sa Kapuso Mo Jessica Soho, maraming nagpaabot at nagbigay ng tulong sa kanya. Nagbukas din ito ng oportunidad sa kanya sa larangan ng pagkanta. Maramii din syang sinalihan na patimpalak, hindi lamang sa ordinaryong singing contest, kundi pati na rin sa telebisyon, gaya ng Tawag ng Tanghalan.

ABS CBN

 Hindi maikakaila na sadya ngang si mandy ay may tinig na kaaya aya. Makikitaan talaga sya ng potential pagdating sa pagkanta.

Kumusta na nga ba ngayon ang “Little Nanay” na si mandy? Ano na nga ba ang nangyari kay Mandy Sevillana pagkatapos nito na matampok ang kwento ng kanyang buhay sa KMJS? Heto na nga ngayon ang “Little Nanay na si mandy”.

Isang napakagandang dalaga. na si Mandy. Kapiling na ulit ang kanyang nanay. Dahil sa mga nag bukas ng oportunidad sa kanya, nagkaroon na rin sya ng Sariling Debut Album. Nagkaroon din sya ng mga iba’t ibang guesting. Naging matagumpay nama ito pagdating sa larangan ng pagkanta.

Facebook

Noong nakaraan nga ay muli na naman itong naging usap usapan sa social media, Dahil sa naging viral video na inupload ng isang netizen habang siya’y kumakanta. Marami ang humanga dahil sa napaka husay nitong tinig.

Anong masasabi niyo dito mga KA Pinoy Vibes?

Para sa iyong reaksyon, huwag kalimutan mag comment at mag message sa aming official Pinoy Vibes account.

: