Kaya nyo bang kainin ang alaga niyong KOI? Isa sa mga gustong pagkain ng mga Pinoy ay ang lutong ulam na isda, gaya nalamang ng pritong isda na sarciado, paksiw na ayungin, sinigang na bangus, pesang dalag at marami pang iba.

Ang mga isdang ito ay karaniwang  nabibili sa supermarket o sa pampublikong palengke.

Ngunit alam niyo ba na isang babae mula sa Malaysia ang pinag uusapan ngayon sa social media. 

Marami ang nagreact talaga sa babaeng ito. Biruin niyo mga Ka Pinoy Vibes niluto niya lang naman ang alaga niyang KOI.

Yes tama ang nabasa mo, as in yung pet fish na KOI.

Noong nakaraang Enero, nag taasan ang kilay ng mga netizen sa babaeng nakilalang si Amanda Omeychua na mula Malaysia. 

KOI soup gusto mo?

Nagbahagi ito ng isang post sa facebook group at may caption na “Masak Apa Tak Jadi Hari Ni” na ang ibig sabihin ay “Cooking Fails of the Day”. Ang post ay may kasamang larawan ng 20 patay na KOI.

Paliwanag naman ng babae namatay ang mga isda dahil nawalan ito ng hangin. Nalimutan umano ng kanyang kasambahay na buksan ang oxygen matapos itong maglinis ng kanilang pond.

Ang laki ng kanyang panghihinayang sa mga namatay na KOI. Kaya naman ay naisipan niya itong gawing masarap na HAPUNAN kaysa maaksaya lamang.

KOI
Photo Credit: OmeychuaFB

“A traditional recipe for a king.It tasted like ikan patin (silver catfish),” 

aniya sa post  at may pa hashtag pa si ate girl na #drownedkoi at #MCOsoup.

Reaksyon ng netizen

Umani ng samu’t saring reaksyon ang kaniyang post.

Sabi ng iba hindi nila masikmura ang ginawa ni Omeychua sa kaniyang alagang KOI.

Ayon naman sa isa pa, hindi nila makakain ang kanilang alaga. Kung sa kanya iyon mangyari ay ililibing na lamang niya ang mga ito.

“If it was me, I wouldn’t be able to bring myself to eat my own pet fishes. I would just bury them, it would be too sad,”

“The fish are too cute to eat. I guess we all have our tastes,”ayon sa isang komento.

Ang iba ay napamangha dahil hindi nila akalain na maari palang kainin nag KOI.

“So it turns out you can eat koi fishes.”

“I thought they were just pretty decorations for the pond,”

Humingi ng paumahin si Omeychua sa kaniyang post dahil alam naman niyang hindi ito magugustuhan ng iba.

Ang alam ng marami, ang isdang KOI ay inaalagaan lamang upang gawing dekorasyon. Simbolo ito ng swerte s ibang lugar. Kaya naman marami ang nagulat na maari rin pala itong gawing masarap na ulam.