Madaming bagay, tao, lugar at pagkain ang tiyak na hindi malilimutan at makakapagpaalala sa atin ng ating kabataan noong 90’s. Napakasarap balik-balikan ang mga ito. Mula pagkagising tututok muna sa TV upang mapanood sina  Princess Sarah,  si Cedie,  Heidi,  Remi, si Romeo, Tom sawyer, at sino ba naman ang makakalimot sa Teletubbies,  kina B1 at B2 pati na rin sa mga tagapagligtas ng ating planeta na sila Sailor moon,  Power Ranger,  Ultraman,  Voltes Five  at Daimos. Ilan lang yan sa mga palabas noong 90s na masarap panoorin ng paulit-ulit. At sino ang makakalimot sa mga laruan ng batang 90s? Narito ang listahan ng mga karuan ng Batang 90s!

Pinterest

Unahin na natin ang PLASTIC BALLOON, tiyak na enjoy na enjoy ka rin sa pagputok ng lobo na ito  At nananakit ang mga leeg sa paghipan para mapalobo ito. Nakakadiri nga lang kung may mga bahid ng laway ang iyong plastic ballon.

Pangalawa sa listahan ang MATCHBOX CARS. Ito ang mga maliliit na laruang kotse na kasing laki lamang ng posporo. Koleksyon ito ng karamihan sa mga batang lalaki noong 90’s.

Carousell

Isunod naman natin ang PAPER DOLLS. Maraming klase ng mga paper dolls ang nagsilabasan noon pero ang pinakapaborito yata ng lahat ay ang Sailor Moon.

Getty Images

bago mauso ang mga cellphone natin, tiyak na nakapag-alaga ka na rin ng mga chicks sa TAMAGOTCHI mo.

staticflickr

Ilang tricks naman ang nagagawa mo sa JACKSTONE?  Ilang sahig ang nasalampakan mo para lang makapaglaro nito?

gameonfamily

isama na rin natin ang PICK-UP STICKS. Pahirapan kumuha ng isang stick sa mga magkakapatong na stick matapos na itapon sa sahig. Ano ka-Pinoy Vibes? Bumabalik ka na ba sa pagkabata ? Kulang pa yan!

Isunod na rin natin ang mga BOARD GAMES noon. Monopoly? Snakes and ladders? Boggle? Scrabble? Game of the Generals?

Wikipedia

Napaka-sarap ibalandra at ipagmalaki ang gadangkal mong ipon na texts at pogs,  Bibilang pa yan ng “i-sa..dala-wa..tat-lo cha” 

alfredgalura

pati na rin ang napakaraming jolens

devcomcreatives

Pagkatapos ay maglalaro pa ng trumpo, sipa, at Yo-yo.

summitmedia

Medyo naka-aangat ka naman sa buhay kung may laruan kang TAMIYA, at kung may racing field ka pang pinagawa sa tatay mo.

independent

Teka, hindi rin papahuli ang GAME BOY AT BRICKS GAMES

Alam kong marami pa akong hindi nabanggit sa mga pinagkalibangan natin noon.na LARUAN NG BATANG 90S,

Kaya i-comment na sa baba ang iba pang mga LARUAN ng batang 90s!