Ang Insomnia ang karaniwang alam ng mga tao kapag may problema sila sa pagtulog. Ngunit alam mo ba ang iba pang mga klase ng sleep disorder?

May mga tao na may problema sa pagtulog o hindi sapat ang oras ng kanilang itinitulog. Madalas, dulot ito ng labis na pag iisip, mga problema sa buhay, iskedyul sa trabaho at mga nakasanayang pamumuhay gaya ng pagpupuyat. Nakakaapekto sa enerhiya ng ating katawan para magampanan ang mga aktibidad sa araw-araw kapag kulang tayo sa tulog.

Ang taong may sleep disorder ay kadalasang  nakakaramdam ng antok kahit umaga, hirap makatulog tuwing gabi, hindi pangkaraniwang paghinga, paggalaw habang natutulog o pagkakaroon ng hindi irregular na paggising.

Iba’t ibang klase ng Sleep Disorder

May iba’t ibang klase ng sleep disorder. Narito ang mga karaniwan na nararanasan ng mga tao:

Insomnia 

Freepik

Ito ang kawalan ng kakayahang matulog o manatiling tulog sa buong gabi. Ito ay sanhi ng stress, hormones o anxiety. Nakakaapekto ito sa buong kalusugan at sa ating buhay. 

Wikipedia

Ang insomnia ay pangkaraniwan na sa panahon natin ngayon lalo na sa bansang Pilipinas. Madalas nakakaranas nito ang mga matatanda at lalo na ang mga kababaihan. Ayon sa datos ng Health Grades Inc. noong taong 2014, mayroong 10 milyong tao sa ating bansa ang nakakaranas nito.

Sleep apnea 

Wikipedia

Ito ang pagtigil o abnormal na paghinga habang natutulog. Ito ay malubhang kondisyon dahil ang katawan ay kumukuha lamang ng kaunting hangin at may posibilidad din na magising ka sa gabi. Ang taong malakas humilik o labis na pagod pagkatapos na matulog ay  mga sintomas ng ‘Sleep Apnea’.

Parasomnias 

The Week

Ito ay klase ng karamdaman sa pagtulog na nagiging sanhi ng abnormal na paggalaw o kakaibang ugali. Ang epekto ng karamdaman na ito ay ang paglalakad habang tulog, pagsasalita o paggawa ng mga hindi pangkaraniwang bagay habang natutulog. Sa paningin ng iba ang mga taong gumagawa nito ay inaakala nilang gising pero sila ay walang malay at hindi alam ang kanilang ginagawa dahil sila’y tulog.

Restless legs syndrome

momjunction

Ito ay isa sa mga karamdaman ng paggalaw habang natutulog. Ang sanhi ng karamdaman na ito ay kawalan ng kemikal na dopamine sa utak na nagpapadala ng mensahe upang makontrol ang paggalaw o minsan ay namamana din ang kundisyon na ito at may posibilidad din na dahil sa pagbubuntis. Nagiging resulta nito ang hindi mapigilan na paggalaw ng mga binti at kadalasang nangyayari tuwing gabi kapag nakahiga o habang sinusubukan na makatulog. Nagpapagaan ito pansamantala ng hindi kasiya-siyang pakiramdam.

Paano ito maiiwasan at ano nga ba ang dapat na gawin kapag nakakaranas nito? 

Ang gamot para sa hirap sa pagtulog ay naka dipende kung anong uri ito. Gayunpaman, ito’y kadalasang kumbinasyon ng medikal na paggamot at pagbabago sa nakasanayang pamumuhay. Ang pagtulog ay napakahalaga na parte ng ating buhay kagaya ng pagkain. Laging lang tayong mag isip ng mga positibong bagay, libangin ang sarili sa iba’t ibang paraan, kumain ng masustansyang pagkain, huwag isipin ang mga problema, matulog sa tamang oras at lagi lang magdasal. Sa ganitong paraan maaaro itong maiwasan at magsisilbing din itong aral para sa akin.