March 28 ay naibalita na sinugod sa pagamutan ang dating pangulong Joseph Estrada dahil umano sa panghihina nang katawan. kinalaunan ay na kompirma na nag positibo ito sa Covid-19 sa edad na 83 years old. Isa sa pinaka high risk ang mga may edad 60 pataas kaya’t maari ngang naging mas malapit ito sa posibilidad na kapitan ng Virus.

Obserbasyon sa dating Pnagulong Joseph Estrada

Nagpahayag naman ang kanyang anak na si Jinggoy Estrada kamaikailan lamang na inilipat umano sa ICU ang kanilang ama para sa mas masidhing osberbasyon ngunit nasa stable na kalagayan na ngayon. Kailangan umano nitong isailalim sa high flow oxygen support ngunit hindi na Kailangan nang ventilator.

“Former president Joseph Estrada is currently confined due to Covid pneumonia. While he needed to be placed on high flow oxygen support, we are thankful that there has been no need to put him on a ventilator” pahayag ng pamilya Estrada.

Joseph Estrada

Pinapawalang katotohanan din ni Jinggoy ang mga bali-balitang kumakalat sa Social Media na di umano ay sumakabilang buhay na ang kanyang ama “There are reports circulating on FB that my father has passed away. This is NOT true,” ito ang kanyang sinabi sa kanyang Facebook post.

Samantala, taos puso umanong nagpapasalamat ang pamilya Estrada sa patuloy na pagsupporta at pagbibigay malasakit nang mga tao sa dating presidente. Patuloy umano silang humihingi nang tulong-dasal sa sambayanan para sa tuluyang pag galing nang dating pangulo.

Joseph Estrada

Walang pinipili na sino man at ano mang estado ang virus na ito kaya hanggat maari ay sumunod sa lahat nang safety protocols na ipanapatupad ng ating pamahalaan. Simulan natin sa ating sarili ang pag iingat at hikayatin natin ang ating pamilya na huwag pabayaan ang kalusugan at palakasin ang immune system. Uminom nang vatamins araw araw, isuot ang Facemask at Face Shield kahit saan man mag punta at kung maari ay huwag nang lumabas nang bahay upang maiwasan ang posibilidad na makapitan nang Virus.

Ating alalahanin na iisa lamang ang ating buhay at obligasyon nating ingatan ang ating mga sarili. Huwag na sana tayong dumagdag sa mga infected cases at naway maging halimbawa na lamang nang isang masunuring mamamayan. Malalampasan din natin itong pandemya hanggat tayo at nagkakaisa at may ibayong pag iingat.

“Huwag po nating ilagay sa alanganin ang buhay nang sino-man, Stay home, Stay safe mga kaPinoyVibes”