Inuutos na ng Jollibee ang pagpapasara sa kanilang Bonifacio – Stopover branch sa BGC, Taguig City ng TATLONG ARAW mula ngayon, matapos mag-viral ang “fried towel” kung saan umorder ang isang customer ng palabok with chicken joy at hindi manok ang naiprito. Panoorin dito. Bakit nga ba trending pa rin ang JOLLIBEE FRIED TOWEL kahit isang linggo na ang lumipas?

Kilala at tanyag ang Jollibee sa saya na binibigay nito lalo na sa masarap nitong mga pagkain. Maraming Pinoy ang kinagigiliwan ang fast-food chain na ito. Simula ng tayo’y bata pa, iisa lang ang lugar na alam natin na nakapagbibigay saya sa atin tuwing kakain tayo sa labas. Bukod sa masarap na pagkain ng Jollibee, kinatutuwaan rin ng karamihan, lalo na ng mga bata, ang mascot nila na isang malaking bubuyog na cute.

Wikipedia

Malaki rin ang naitulong at maraming oportunidad na rin ang naibigay ng Jollibee sa mga Pilipinl, lalo na sa mga working students

Ngunit dahil sa nagviral na “Fried towel,”, marami na rin ang nakikisawsaw at humaba na  ang usapin na ito, hanggang sa umabot na sa programang Raffy Tulfo in Action.

Ngunit imbis na kampihan ng mga netizens ang nag post ng video,  mas umani pa ng pagsuporta ang Jollibee mula sa marami.

Marami ang nagpahayag ng pagkadismaya sa Raffy Tulfo in Action sa Twitter. Ang palagay nila, nag take advantage lamang ang programa sa sitwasyon at isyu na kinakaharap ng Jollibee.

Ang pagkahumaling natin sa programa na ito ay nagpapakita lamang  ng hilig ng mga Pilipino sa mga isyu at tsismis.Mas mainam parin na ayusin o hawakan ang  mga isyu sa pribado at legal na pamamaraan.

Matapos maglabas ng official statement ang Jollibee ukol dito, nagpakita rin ng suporta ang mga kumpanya tulad ng  Tom Sawyer’s Old Fashioned Krispy Chicken at Monster Wings.

Nagkaroon din ng maraming positibong komento mula sa mga netizens ang Jollibee. Marami pang mga ‘batang Jollibee’ ang nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa fast-food chain na nagbibigay ng saya sa kanilang pagkabata.

“Hindi sa isang pagkakamali lang matatapos ang lahat. Mula noon, hanggang ngayon sa pamilya ko, ikaw pa din ang bida ng saya”

PINOY VIBES