Matagal na nawala ang aktres sa showbiz at binigla niya ang lahat sa balita na siya ay masiyang nanirahan sa Isla ng Siargao bilang isang normal na mamamayan na lamang at wala na umanong planong bumalik pa sa pag aartista. Kasunod nito masaya niyang inanunsyo na may bago na siyang love-life at ngayon ay kontento na sa simpleng Island Life niya.

Masayang Co-parenting

Co-parenting

Proud niyang pinakilala sa lahat ang kanyang boyfriend na isang professional surfer at nakilala niya ito sa Isla. Lumaon, biniyayaan sila nang isang anak na babae at sinundan ito nang pagbubuntis naman ni Andi sa kanyang pangatlong anak na lalaki.

Ngayon sila ay nakapag pundar na nang kanilang bahay sa Isla at Engaged na din sa kanyang partner na si Philmar at masaya niyang binabahagi ang kanilang Island life sa kanilang YouTube Channel.

Co-parenting

Samantala, ginagampanan din ni Jake Ejercito ang kanyang pagiging “cool-dad” sa bata at kitang kita ito sa closeness nilang mag ama. Kamakailan lang binisita ni Jake ang bata sa Isla nang Siargao na sobrang ikinatuwa naman nang bata.

Maayos daw na napagkakasunduan nang dating magkarelasyon kung paano nila itataguyod at paghahatian ang oras at panahon nila sa bata na hindi ito naapektuhan at pinapaintindi din ni Andi sa bata ang kanilang sitwasyon. Sa ngayon makikitang nag eenjoy ang bata sa pagiging ate nito sa dalawa niyang nakababatang kapatid at gustong gusto nito ang pamumuhay sa isla.

“Co-parenting is not a competition, Its a cooperation of two homes to give what’s best for their kids”