Patuloy ang pagpapaulan ng mga rockets ng grupong Hamas at Palestinian Islamic Jihad sa Israel at airstrikes naman mula sa Israeli Air Force sa Gaza.sa ISRAEL-PALESTINIAN CONFLICT ngayong Mayo 2021! Ang pinagmulan ng marahas na sagupaan na ito ay nang magprotesta ang mga Palestino sa Jerusalem dahil sa kanselado desisyon ng Israeli Supreme Court sa pagpapaalis sa apat na pamilya sa Sheikh Jarrah, ang katabing bayan ng Silangang Jerusalem.

Umatake ang Israel sa mga Palestinians nitong Mayo 2021 matapos ang Ramadan. Ito na ang pinakamarahas na sagupaan sa pagitan ng Israel at Palestinians mula pa noong 2014. 

REUTERS/Ibraheem Abu Mustafa

Ikinagulat ng lahat ang walang humpay na pambobomba at pagpapaulan ng air missiles ng Israel sa Gaza. 65 katao ang namatay kabilang ang 16 na kabataan at mahigit kumulang sa 365 ang sugatan. 

Gumanti ang Gaza at nagpaulan naman ng 1,000 rockets sa Israel. Nagresulta ito sa 200 sugatan na mga Israeli. 130 na rocket ang tumama sa Tel Aviv, kaya ipinasara ang pangunahing airport ng Israel, ang Ben Gurion.

Karamihan naman sa mga rockets ay tumama sa Israel’s Iron Dome defense system. Kung kaya’t marami sa mga Israelis ang nanatili sa kanilang bomb shelters.

Reuters

Samantala, malaki-laki na ang nawasak sa Gaza dahil sa kakaunti lang ang kanilang bomb shelter at wala rin silang air defense system. Maraming gusali gaya ng Shorouk Tower, isang 14 palapag na gusali, ang napinsala.

Nasa “state of panic” na ang Gaza. Pinupunterya ng Israel ay ang mga tirahan ng mga sibilyan at mga matataong pamayanan. Kaya’t 43% ng mga biktima ay mga kabataan at kababaihan.

Ayon nga sa defense minister ng Israel ay,

“We have hit many hundreds of targets. Buildings are falling, factories are collapsing, terror tunnels are being destroyed and commanders are being eliminated. All means and all options are on the table,” 

Tinutukoy niya rito ang lungsod ng Ashkelon, hilagang parte ng Gaza. Sinabi rin niya na sa ngayon ay wala pang kasiguraduhan kung kailan matatapos ang kaguluhang ito.

Nagkaroon na rin ng kaguluhan sa mga bayan ng Israel dahil sa karamihan ng populasyon dito ay Arab. Nagdeklara na nga ng state of emergency ang gitnang lungsod ng Lod matapos ang sagupaan sa pagitan ng Jewish at mga Arab.

Paano nagsimula ang Israel-Palestinian Conflict May 2021?

REUTERS/Ammar Awad

Ang pinagmulan ng marahas na sagupaan na ito ay nang magprotesta ang mga Palestino sa Jerusalem dahil sa kanselado desisyon ng Israeli Supreme Court sa pagpapaalis sa apat na pamilya sa Sheikh Jarrah, ang katabing bayan ng Silangang Jerusalem.

REUTERS/Ammar Awad

Nagkaroon ng ilang linggong tensyon sa Jerusalem dahil sa kaguluhan sa gitna ng mga Israeli police at Palestinian protesters sa loob at paligid ng Al-Aqsa Mosque, sa panahon ng pag-aayuno ng mga Muslim nitong Ramadan.

Nakadagdag sa tensiyon ang pagkasawi ng isang 16-anyos na Palestino, sa nangyaring sagupaan sa West bank.

REUTERS/Ammar Awad

Dahil dito pati na rin ang mga kalapit na mga bansa ay nangangamba na rin sa tumitindi pang kaguluhan. 

Patuloy parin ang pagpapaulan ng mga rockets ng grupong Hamas at Palestinian Islamic Jihad sa Israel at airstrikes naman mula sa Israeli Air Force sa Gaza.