Summer na naman at ramdam na ang init ng panahon, lumalabas na rin ang mga ibat ibang pamatid uhaw na inumin at mga desserts. Habang usong uso ngayon at naglipana ang sari-saring inumin gaya ng milk tea at shake, hindi parin magpapatalo ang classic na Iskrambol nating mga pinoy. 

aNO NGA BA ANG ISKRAMBOL?

iskrambol

PHOTO FROM BOOKYGUIDE

Ayon sa Wikepedia ang salitang iskrambol ay mula sa English word na “Ice Scramble” ito ay isang Filipino dessert na gawa sa shaved ice o kinayod na yelo at nilagyan ng mga matatamis na sangkap gaya ng condensed milk, evaporated milk, chocolate syrup at strawberry syrup. Nilalagyan din ito ng ibat-ibang toppings gaya ng powdered milk, marshmallow, pinipig at sprinkles.

Nakuha naman nito ang pangalan mula sa kung paano ito kainin, kung saan ang mga sangkap ay nag sa-”scrambled” kapag hinahalo na gamit ang straw o maliit at plastik na kutsara na kasama kapag ikaw ay bumibili. 

 

iskrambol

PHOTO FROM WHENINBACOLOD

Bakit nga ba patok na patok ang iskrambol?

Dahil sa ibatibang flavor ng iskrambol ay ganon din ang ibat-ibang kulay na meron ito. Gustong gusto ito ng mga pinoy dahil sa lasa nito na napaka tamis at dahil din sa ibat-ibang toppings na meron ito. Nakaka enjoy din panoorin kung paano ito hinahanda ng mga nagbebenta at bukod sa masarap at epektibong pamatid uhaw, abot kaya din ang presyo nito kung kaya at ganon nalang ang lakas nang bentahan ng iskrambol sa mga paaralan dahil kayang kaya ito bilhin kahit ng mga bata. 

 Marami man ngayon ang mga bagong naglalabasan na mga desserts, mga inumin at kung ano pang mga trending na mga pagkain, hindi natin maipagkakaila na mas masarap pa din tingkilikin ang sariling atin. Hindi pa rin mapapalitan o matutumbasan ang ating klasik na Iskrambol lalo na’t ito ay kilala na at paborito na natin mula nang tayo ay mga bata pa lamang.

 

 Maaring may mas masarap pa sa Iskrambol ngunit ang mas nag papa espesyal nito ay ang ating mga alaala noon sa ating pagka bata na tuwing tayo ay excited na nag aabang upang bumili ng iskrambol, wala pa ring kupas ang iskrambol ng Pinas at ma pa sa hanggang ngayon inaabangan at patok parin ito para sa atingng mga batang 90’s.