Sa kasalukuyan, pinoprotektahan ng multi-layered defense array nila ang Israel. Kasama sa Defense System ang Arrow-2, Arrow-3, David’s Sling, at ang Iron Dome Defense System. Lahat sila ay ginagamit ngayon ng Israel laban sa lahat ng panganib o pag atake sa lungsod. 

Sumiklab ang pinakamarahas na sagupaan sa gitna ng Israel at Palestine nito lamang Mayo, taong 2021. Nagpaulan ng rockets at air missiles laban sa isa’t-isa ang bawat isa sa kanila. Marami na ang namatay, sugatan, at nawasak na mga gusali sa kanilang mga lugar. Napukaw ng kaguluhang ito ang atensyon ng buong mundo. Lalo na ang paraan ng depensa ng militar ng Israel laban sa libo-libong rockets na ipinadadala sa kanila ng  kalabang grupo ng Hamas at mga Palestino.

Usapan ngayon ang kamangha-mahang sistema ng Israel lalo na ang kanilang Iron Dome Defense System. Sinasabing isang “game-changer”sa pagdepensa kapag may giyera ito. Nasasagap sa radar ang paparating na panganib. Sinasangga nito ang mga rockets o missiles na paparating. Napapasabog ito bago pa man tumama sa kanilang lungsod o sa lupa. Mayroon itong 90% success rate. At tanging Israel lamang ang may Iron Dome Defense System sa buong mundo.

Dahil na rin sa husay ng advanced military defense system na ito, Bumili na rin ang U.S. mula sa Israel ng sistemang ito. Isa rin ang Estados Unidos sa nagpondo upang mabuo ang defense system na ito.

Ano ba ang Iron dome Defense System?

Ang lumikha ng ganitong defense system ay ang  Rafael Advanced Defense Systems Ltd, sa ilalim ng Israel Missile Defense Organization (IMDO) ng Israel Ministry of Defense. Nangunguna na ngayon sa buong mundo ang RAFAEL bilang pinakamahusay na taga-gawa ng mga advanced na sistema ng armas. Nagbibigay sila ng kumpleto at pinakabagong air and missile defense system. Sinimulan ng RAFAEL ang pagbuo sa Iron dome noong Disyembre 2017. Sinubok ang kapasidad ng Iron Dome gamit ang iba’t-ibang mahihirap na scenarios at naging matagumpay nga ito sa pagwasak ng targets. Magagamit ang Iron Dome pati na sa mga paparating pa lang na panganib. Pati na sa mga salvo (sunod-sunod na atake) o artillery attack ng rockets at missiles.

Dinisenyo ito para sa mga  Short Range (VSHORAD) na atake, pati na mga rockets, artillery at mortar (C-RAM) na pag-atake, aircraft, helicopters, UAVs, PGMs, at cruise missiles.

Patuloy ang pagpapalakas sa defense system na ‘to at ngayon pa lamang ay gamit na gamit sa pagprotekta ng mga lungsod ng Israel. Nang dahil dito pakiramdam ng mga residente ng Israel na mas ligtas sila bagaman pinauulanan sila ng rockets ng Palestine. Kailangan pa rin mag-ingat ng mga residente dahil maaaring may makalusot na rockets sa kanilang depensa sa dami ng pinapaulan na rockets sa Israel. Kapag narinig na nila ang air raid siren, kailangan na nilang tumakbo at magtago sa mga underground.

RAFAEL’S  AIR AND MISSILE DEFENSE SYSTEM MULTI-LAYERED ARRAY

Isa lamang ang Iron Dome Defense System sa multi-layered concept ng kanilang Air and Missile  defense solutions.

Bawat Layer ng Air and Missile Defense System

BOTTOM O  LOWER LAYER

Binubuo ito ng Drone Dome™ family, ang sistema na mabilis na nagtutukoy at umaalam sa mga drones ng kaaway.

 SHORT-RANGE LAYER

Kasama rito ang 

IRON DOME, na tinatawag ding SkyHunter.

IRON DOME DEFENSE SYSTEM
Wikipedia

C- DOME, ito ay naval version (pandagat) at ang sistema laban sa air threats at sea-skimming missiles.

SPYDER family 

Wikipedia

Ginagamit para sa  short- to long-range air defense para sa military and civilian assets, nagbibigay proteksyon sa mobile forces laban sa aircraft, UAVs, smart bombs, at missiles. Nagagamit na rin ang SPYDER sa buong mundo.

  1. I-DERBY-ER, ginagamit sa  air-to-air combat gayon din naman sa ground-to-air missions na kasama sa SPYDER missile systems. 
Rafael

MIDDLE LAYER DEFENSE

David’s Sling, advanced short to medium at medium to long range air defense system

Wikipedia

Narito ang DAVID’S SLING system na nagpoprotekta laban sa multiple targets at short to medium at medium to long range air attacks gaya ng artillery, rockets, short-range ballistic missiles, cruise missiles, at tactical ballistic missiles. 

TOP o UPPER LAYER DEFENSE

Arrow-2: Intercepts medium to long range missiles. 

Wikipedia

Nagsimulang buuin ang Arrow System noong 1991 matapos na maitatag ang IMDO at dahil rin sa mga pagpapasabog ng missiles sa Israel noong First Gulf War. Ang Israel Aerospace Industries (IAI), ang pangunahing contractor sa pagbuo ng Arrow System.

Arrow-3: Intercepts long-range missiles

Wikipedia

Pinagsamang proyekto ng Israel at Amerika ang pagbuo sa mga Arrow. Isa itong world-class missile. Ang pinagsamang lakas ng Arrow 2 at Arrow 3, ang lalong nagpapalawak sa  kapasidad ng depensa ng Israel. Kaya ng Arrow 3 ang longer range, higher altitude (exo-atmospheric), at mga precise ballistic missile na mga atake.

IMDO continues to improve each of its systems, adapting and advancing its capabilities to a wide range of threats.

Subok na epektibo ang sistema ng Israel, mabilis, nagagamit ng 24 oras o kahit na anumang lagay ng panahon. Patuloy na palalakasin ng Israel ang kanilang sistema.

Israel-Palestine Conflict May 2021

Sa kasalukuyan, nagkasundo ang dalawang panig na mag-ceasefire muna ngayong araw, May 21, 2021.