• Ang second wave ng India COVID-19 Outbreak ngayong 2021 ay sinasabing pinakamalala sa lahat ng Coronavirus outbreak Sa buong mundo.
  • Nagsimula nitong Marso 2021ang second wave ng India COVID-19 Outbreak, na nagdulot ng hindi babang 300,000 kaso ng COVID-19 kada araw.
  • Nag-abot na ng mga tulong na mga ventilators at oxygen tanks ang iba’t-ibang estado at bansa gaya ng US, UK, France, Germany, at Pakistan upang matulungan ang India COVID-19 Outbreak ngayong 2021.

Sa kasalukuyan, ang bansang India ang humaharap sa pinakamatinding coronavirus outbreak sa buong mundo. Mayroon na ngayong halos aabot na sa 18 Milyong kaso ng COVID-19 sa India simula noong nagsimula ang pandemya noong nakaraang taon. Ngunit ayon sa mga eksperto, higit pa rito ng 30 beses ang tunay na bilang ng kaso.

REUTERS/Adnan Abidi

21% ng COVID-19 cases sa buong mundo ay mula sa India. Ayon sa kanila, halos bawat pamilya ay mayroon ng minamahal na namatay. Sinasabi na rin na nasa breaking point na ang healthcare system ng bansa. Nagkakaubusan na ng hospital beds, mga medical equipment, at oxygen tanks dito. Ang mga pasyente ay namamatay na lamang sa daan o sa labas ng ospital. Nagkaroon na rin ng mass cremation at burial grounds. Inilalarawan nila na tila isang tsunami ang pandemya at nilalamon ang India.

 India COVID-19 OUTBREAK– Mass cremation at Burial Grounds. REUTERS/Adnan Abidi
REUTERS/Niharika Kulkarni

Sa unang pagtama ng pandemya sa kanila noong Setyembre 2020, ipinagmalaki ng kanilang gobyerno ang mababang bilang ng mga namatay sa COVID-19. Ayon sa kanila, isa itong senyales na matagumpay ang bansa laban sa pandemya. Kaya naman, naging maluwag na ang gobyerno.

REUTERS/Amit Dave/File Photo


Ipinagdiwang ni Prime Minister Narendra Modi ang mababang bilang na ito at sinabing isa itong pamamaraan para palakasin ang loob ng mga tao. Sinabi rin niya na ang kanilang bansa ay magiging matagumpay na laban sa COVID-19 Ngunit sa pangalawang pagtama (second wave) nito, nawalan na ng kontrol ang gobyerno, nito lamang Marso. Matindi ang pagtama nito sa kapital nila sa New Delhi. Maging sa Maharashtra. Napuno na ang mga ospital at tumatanggi na ang mga doktor sa pagtanggap ng pasyente.

REUTERS/Adnan Abidi

Habang patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso sa India, ipinagbawal ng kanilang gobyerno ang anumang kritisismo sa kung paano nila pinamahalaan ang pandemya sa kanilang bansa. Humaharap sa bundok na kritisismo ang gobyerno ng India matapos nitong maging maluwag at pinapayagan ang mga pagdaraos ng malalaking pagtitipon at mga kampanya kahit na noon na ang kaso ng COVID-19 ay umaabot na sa halos 10,000 kada araw. Hindi sila naghanda para sa posibleng biglaang pagtaas ng kaso gaya ng nangyayari ngayon. Sinasabi ng mamamayan na tila pinabayaan na lamang sila ng kanilanh gobyerno ngayon.

REUTERS/Adnan Abidi

Sa kabilang banda, hinihintay ng lokal na pamahalaan ang mga tulong galing sa iba’t-ibang estado at bansa. Ilan sa mga bansa na nag-abot na ng tulong gaya ng ventilators at oxygen tanks ang US, UK, France, Germany, and Pakistan. Panoorin ang video tungkol dito: